^

PSN Showbiz

Mga personal assistant, frontliner ng mga artista

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Now, gusto kong bigyan ng credits ang mga P.A. (personal assistant) at trusted companions ng stars. Lagi sila sa background, hindi maepal at nandun lang sa tabi, pero more than half ng tagumpay ng mga artista na kasama nila ay dahil sa kanila. Ang mabait at masipag na P.A., ‘yung laging kasama ng isang artista sa lakad, iyon ang frontliner nila. Taga-salo ng mga hinaing, taga-paalala sa lahat ng dapat nilang gawin, kaya naman halos pamilya na sila sa paningin ng mga alaga nila.

Si Dina ni Lorna Tolentino, si Beth ni Rudy Fernandez, si Tess ni Christopher de Leon, Carding ni Tonton Gutierrez, lahat sila bahagi ng kasikatan ng mga kasama nilang stars. Si Mama Ten ni Alden Richards, na mula umpisa hanggang ngayon, parang anino na niya, isa sa mga reason kung bakit mahal ng lahat si Alden. Magalang at mabait si Mama Ten, kaya naman ganu’n din ang alaga niya. Si Sam ang road manager ni Alden na taga-Artists Center , ang isa pa rin sa dapat pasalamatan sa tagumpay ni Alden.

Saludo ako sa kanilang lahat. Dapat talaga, sila ang pinaka-precious gems ng kanilang mga alaga.

PAMI, isang pamilya

Now more than ever, nakita ko how many of PAMI members are very competent and thoughtful. Every Pasko, merong Christmas party ang PAMI na samahan ng mga talent manager na ang cute dahil halos lahat ng members ay may dalang regalo sa lahat.

As usual, being the spoiled brat of the group, tagatanggap lang ako, at hindi nagdadala ng regalo. Pero ok lang sa kanila, hah hah. Now dahil pandemic, walang party, pero almost all the members ay nagpadala pa rin ng gifts.

Bongga ha, talagang delivered to your doorstep. Now ko talaga nakita ang competence, ang focus ng mga PAMI members, if they want something done, it will be done. At ang na-appreciate ko sa lahat, pinakamalayo at mahirap hanapin ang bahay ko, pero heto, dumarating pa rin ang mga regalo.

So blessed, so feeling loved, kaya kahit pa nga may mga menopausal moments, senior emotional changes, parang mga bata kung magtampuhan, together PAMI, as in family, thanks for the friendship. Salute.

 

vuukle comment

FRONTLINER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with