^

PSN Showbiz

Former Mr. Gay, nakipag-collab kay Raffy Tulfo

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Former Mr. Gay, nakipag-collab kay Raffy Tulfo
Wilbert Tolentino
STAR/ File

Makikipag-collab na rin ang kilalang businessman and former Mr. Gay World titlist na si Wilbert Tolentino kay Raffy Tulfo.

Mabilis ngang dumami ang followers ni Wil sa kanyang Wilbert Tolentino VLOGS  sa Youtube. In all fairness, wala pang dalawang buwan pero meron na agad siyang 300,000 subscribers. Achievement sa kanya ito bilang baguhan sa nasabing entertainment streaming app. At ‘pag naayos ang collab nila ni Raffy, tiyak madadagdagan pa ‘yun.

Ayon sa negosyante na COVID survivor din, nakakawala ng stress ang pagiging abala niya sa kanyang YT channel. “Pinasok ko ito para bigyan ng kasiyahan at bonggang entertainment ang mga taong dumadaan sa anxiety at depression sa panahon ng pandemya,” bungad niya.

“Bilang isang critical COVID pneumonia severe with acute respiratory distress syndrome survivor, ang aking adhikain sa paggawa ng vlog ay patuloy na pagtulong,” dagdag pa niya.

Entertainment bar owner din siya at pakiramdam niya hindi nagkakalayo ang pagiging vlogger bilang isang co-owner ng tatlong entertainment bar (Apollo, Club 690, Farenheit). “Ang mga magagandang komento na nababasa ko ay nagsisilbing inspirasyon para gumawa pa ako ng marami pang content. Ganundin sa pag-o-operate ng bar. Dapat maganda rin feedback ng mga costumer mo,” saad niya tungkol sa pagma-manage ng bar noong wala pang pandemic.

Banggit niya pang may malaki rin siyang pasabog na event ‘pag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na sa bansa. “Magkakaroon ako ng The Philippines Influencer Awards 2021. Ito ay  para ma-cater natin ang mga media at mga vloggers kasama ang mga negosyante na naghahanap ng influencers,” lahad pa niya.

Bukod kay Raffy Tulfo na laging trending sa YT, marami rin siyang naka-collab na at kasama rito si Sanya Lopez.

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with