^

PSN Showbiz

Jinggoy, sinunod ang suggestion ni Sylvia

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Jinggoy, sinunod ang suggestion ni Sylvia
Sylvia at Jinggoy
STAR/ File

Naku, Ateng Salve, mabuti na lang at nakumbinsi ni Sylvia Sanchez si former Senator Jinggoy Estrada na ulitin ang isang eksena ng actor/politician sa Coming Home kung saan ay nagharap sila ni Luis Hontiveros na gumaganap na mister ng nag-iisang anak na babae niya sa pelikula na ginagampanan naman ni Shaira Diaz.

Mas gumanda kasi ang eksenang ‘yon.

Pambubuking ni Sylvia, nang matapos nila ang shooting ng pelikula noong February ay pinanood na nila ang ­unang ­e­d­­i­­ted version ng kanilang Metro Manila Film Festival 2020 official movie entry at nang tanungin daw siya ni Jinggoy kung ano ang maiko-comment niya ay nagsabi raw siya na, “Gusto mo ba talaga ‘yung totoo, Sen?!”

Nang mag-yes daw si Jinggoy, sinabi niya na ipaulit daw dapat ang eksenang nabanggit, pero ayaw raw muna ng kanyang leading man. “Sabi ko sa kanya, parang action star kasi ang dating niya sa eksenang ‘yon, kaya kung puwede, ulitin sana.

“Ang mahal daw kasi kung uulitin, pero nagtanong kasi siya sa akin, kaya, ayun, sinunod din niya ako. Nag-shooting uli para sa eksenang ‘yon at mas gumanda ‘yung kinalabasan,” sey ni Sylvia.

Bilib nga raw si Sylvia kay Jinggoy dahil nakikinig ito sa suggestions niya.

Miles, hindi pa rin nai-in love

Gandang-ganda ako kay Miles Ocampo na isa sa mga bida ng pelikulang The Missing ng Regal Entertainment, Inc. at isa sa official movie entries ng MMFF 2020.

Sa ganda ni Miles, marami akong mga kilalang aktor na may gusto sa kanya.

Pero hanggang ngayon pala ay wala pa rin siyang boyfriend at sa kanyang career naka-concentrate.

Nang tanungin ko nga siya kung sino ang gusto niyang makasama sa panonood ng The Missing sa Upstream.ph (kung saan ipapalabas ang 10 official movie entries ng nasabing filmfest) para kapag nakakatakot ang mga eksena ay mapapatili at mapapayakap siya sa kanyang katabi. “Pamil­ya ko po ang gusto kong kasama sa panonood. Sila po ‘yung ya­yakapin ko kapag nakakatakot ang mga eksena.

“Wala pa rin po akong boyfriend,” sabi ng pretty young actress.

Si Ritz Azul naman na kasama rin ni Miles sa pelikula ay nagsabing ang fiancé na si Allan Guwi ang gustong makasama sa panonood nito.

Ang co-star naman nilang si Joseph Marco ay mas gusto raw manood na mag-isa dahil mahilig talaga siya sa katatakutan.

Hindi kaya ayaw lang pabuking ni Joseph kung sino ang talagang karelasyon niya?! Well… ‘Yun na!

vuukle comment

JINGGOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with