^

PSN Showbiz

Robi, nadisiplina sa PBB

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Robi, nadisiplina sa PBB
Robi
STAR/ File

Taong 2008 nang magsimula bilang isang teen housemate si Robi Domingo sa Pinoy Big Brother house. Ayon sa TV host ay maraming mga bagay ang kanyang natutunan mula sa loob ng bahay ni Kuya na dala-dala pa rin niya hanggang ngayon. “I just have to encourage everyone and say na may mga lessons sa buhay na hindi mo natutunan sa paaralan. The best thing na natutunan ko sa PBB ay ‘yung pakikisalamuha sa iba’t ibang tao sa iba’t ibang pinanggalingan. With all due respect sa eskwelahan kung saan ako galing, pero mas nabuo ‘yung character ko nang makasama ko ang iba-ibang persona­lidad na galing sa iba’t ibang walks of life sa iisang bahay. Do’n hinarap namin ang iba’t ibang challenges at natuto kami. Hindi lang maging tao, kundi kung ano ‘yung ibig sabihin ng pagpapakatao,” paliwanag ni Robi.

Hinding-hindi makalilimutan ng TV host ang ilan sa mga task na kanyang nagawa habang nasa PBB. “Siyempre ‘yung military week. Mga sundalo nagte-train araw-araw. Ang laki ng disiplinang nakuha ko no’ng pumasok sa Kapa­milya natin from our military para subukin ‘yung capacity namin and patience namin. Kung hindi man, ‘yung matinding punishment na gusto kong ma-experience ng kahit sino ay magbilang ng bigas using chopsticks, isa-isa. ‘Yung may nangyaring gupitan, nalaman ko after the season na ang PBB family nakisama sa amin, even direk Lauren (Dyogi),” kuwento ng binata.

Jin may natutunan sa healing priest

Isa ang Suarez: The Healing Priest sa sampung pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2020 ngayong Kapaskuhan. Mapapanood online ang mga official entry sa pamamagitan ng upstream.ph simula December 25.

Si Jin Macapagal ang gumanap bilang batang Fr. Fernando Suarez sa naturang pelikula. Ayon sa Bidaman winner ng It’s Showtime ay talagang kapupulutan ng aral ang bagong proyekto. “May dalawang stories na mapupulutan natin ng aral. Kasi sa part na ako ang gumanap, it’s more of finding his purpose in life. ‘Yung kahit gaano mo i-deny na ‘yon ang karapat-dapat sa iyo, darating talaga. If you are aligned with God and your faith with Him, talagang mapupunta ka kung saan pinaka-meaningful para sa iyo at purposeful para sa iyo,” makahulugang pahayag ni Jin.

Ayon naman kay John Arcilla na siyang gumanap bilang matandang Fr. Fernando Suarez ay napapanahon din ngayon ang kanilang pelikula lalo pa’t maraming pagsubok ang ating kinaharap ngayong taon. “Napaka-timely kasi lalo na ngayon na pandemic. Ang daming social unrest, ang daming calamities, mayroon tayong pandemic. So mas kailangan natin lalo na tumingin sa gitna natin, sa ating lahat, sino itong dapat nating panghawakan? Balikan natin ang ating pananampalataya and panghawakan natin ito para maka-survive tayo sa ganitong klaseng sitwasyon,” nakangiting pahayag ni John.

Nanghihinayang si John dahil hindi na mapapanood ng namayapang pari ang sariling talambuhay sa bagong pelikula. Matatandaang namatay si Fr. Fernando Suarez nang atakihin sa puso nito lamang Pebrero. “Nakakalungkot nga lang na before kaming matapos ng pelikula ay pumanaw siya. Ito ay tungkol sa kung paano niya pinanghawakan ang kanyang faith sa kabila ng controversies. Isang example na sa gitna ng mga pagsubok ay kumapit ka lang sa Diyos ay malalampasan mo lahat,” pagbabahagi ng aktor.  (Reports from JCC)

vuukle comment

PBB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with