^

PSN Showbiz

Suarez ni John Arcilla suportado ng higit 52 artista

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Suarez ni John Arcilla suportado ng higit 52 artista
John Arcilla

Mapapanood na simula December 25 ang pelikulang Suarez: The Healing Priest na pinagbibidahan ni John Arcilla bilang si Fr. Fernando Suarez. Ang pelikula na prinodyus ng Saranggola Media Productions at idinirek ni Joven Tan ay isa sa official entries sa 2020 Metro Manila Film Festival – ang first ever virtual MMFF na mapapanood via UPSTREAM.ph.

Ipapakita sa pelikula ang buhay ng tinaguriang healing priest - kung paano siya nagsimulang magpagaling ng mga may sakit, ang mga testimonya ng kanyang mga napagaling at maging ang mga kontrobersiyang ipinukol sa kanya at kung paano niya ito pinatunayan.

Dahil sa nasabing pelikula ay hindi natuloy ang paglipad para magbakasyon ni John na naka-schedule dapat nitong second week ng December.

Priority ng aktor ang promo ng kanyang latest film kesa ang magpahinga mula sa kanyang hectic schedules sa FPJ’s Ang Probinsyano. Aminado rin siyang gusto niyang maipo-promote nang todo ang pinagbibidahan niyang pelikula ng tinaguriang healing priest na sumakabilang buhay last February “I want to help my producer and director para mas maging aware ang mga tao na may ganitong pelikula sa MMFF. ‘Yang pahinga at bakasyon puwede ko namang gawin yan sa ibang panahon,” katuwiran ng mahusay na aktor.

Samantala, bukod kay John ay higit 52 artista rin ang bumubuo sa cast ng Suarez. Yes as in casting coup. Ilan rito sina Alice Dixson, Yayo Aguila, Rita Avila, Dexter Doria, Richard Quan, Jenine Desiderio, Michelle Vito, Perla Bautista, Bobby Andrews, Rosanna Roces at maraming-marami pang iba.

Anyway, maraming nakakakilala kay Fr. Suarez pero meron din naman hindi gaanong familiar sa kanya.

Nasulat na noon na 16 years old siya nang magkaroon ng gift of healing na hindi niya agad ginamit hanggang maging pari siya. Pero nasangkot nga siya sa iba’t ibang iskandalo sa Catholic church kabilang na ang sinasabing church scam and sexual abuse. May pagkakataon pa nung hindi siya pinapayagang mag-misa.

Pero in the end ay nilinis ang kanyang pangalan ng Vatican, last January 2020, sa issue ng binibintang sa kanyang pang-aabuso sa minors.

Sinasabing hinintay niya lang ang nasabing decision ng Vatican – decree of notification dated Jan. 6, 2020 released by the Catholic Bishops Conference of the Philippines’ (CBCP) National Tribunal of Appeals na sinasabing “not guilty” ang decision ng Vatican’s Congregation for the Doctrine of the Faith.

vuukle comment

JOHN ARCILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with