^

PSN Showbiz

Heart, inaasahang madadagdagan ang raket

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Heart, inaasahang madadagdagan ang raket
Heart

Actually hindi na bagong kuwento na napili si Heart Evangelista bilang isa sa top influencers ng Forbes Magazine France. Noong nakaraang taon pa may nagsabi sa amin niyan, at nakita nga namin sa online edition ng magazine, pero ang nasa isip naman namin noon, siguro mas dapat na mapag-usapan iyan sa “fashion” kaysa sa entertainment pages kaya hindi namin pinansin.

Pero sa totoo lang, talagang malaking bagay iyon para sa misis ng gobernador ng Sorsogon na si Chiz Escudero. Hindi lahat ng modelong Pilipino, na sumikat din naman bilang mga modelo, ay napansin nang ganyan ng isang foreign magazine, at hindi basta magazine ang Forbes.

Siguro ang resulta niyan ay mas maraming mga produkto at kumpanyang kukuha kay Heart bilang isang endorser. Sa pag-aaral kasi ay napakalakas talaga ng kanyang impluwensiya lalo na sa fashion. Aba siguro kung kami rin, si Heart ang kukunin naming endorser, kaysa naman kunin mong mag-endorse iyong nagpipilit lamang, gumagamit ng impluwensiya at sa totoo lang wala namang batak dahil ang image ay antipatika.

Iyon ang isa pang maganda kay Heart, ok ang kanyang image. Isipin ninyo, nang magkaroon ng kalamidad isa si Heart na mabilis na nagpadala ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo, hindi lamang sa Sorsogon kundi maging sa Cagayan at Isabela, pero tahimik lang siya. Sabi niya niya “hindi naman kailangan ng camera sa tuwing may ibibigay ka.”

Kung sa karangalan, aba malaking karangalan nga iyon na may isang Pilipino na kinikilala ng mga dayuhan bilang isang mahusay na endorser at may malakas na impluwensiya sa publiko.

Ang isa pang maganda kay Heart, bagama’t hindi na nga natin siya maaaring ilayo sa pulitika dahil sa kanyang asawa, ang kanyang pagiging endorser ay hindi niya ginagamit sa pulitika, dahil sa paniniwala naman niya sa sariling kakayahan ng mister niya.

Claudine, nagpapagaling pa

Natigil lang ang live video ni Claudine Barretto doon mismo sa ospital habang siya ay nakatakdang operahan sa kanan niyang kamay noong ipasok na siya sa operating room ng St. Luke’s sa BGC. Aba kasi pagpasok niya sa operating room, tiyak sasaksakan na siya ng anaesthesia, papaano pa nga ba siya makakapag-live video.

Sabi pa niya sa kanyang huling video, magbibigay siya ng update pagkatapos ng kanyang operation na ngayon tiyak na nasa recovery period pa.

Hindi naman niya sinabi kung bakit kailangang operahan ang kanyang kanang kamay, pero sinasabi ngang nagkaroon siya ng injury nang sinasabi niyang “pinagtulungan siya ng kanyang kapatid na si Marjorie at pamangking si Julia sa burol ng kanilang ama noong Oktubre.” 

Nangyari iyon nang sumunod na araw na nagbalik si Claudine sa burol, matapos ang sagupaan naman ni Gretchen at isa pa nilang pamangkin noong sinundang gabi habang naroroon pa si Presidente Digong. Hindi nila pinalaki ang usapan, after all isang pamilya sila. Pero lumalabas ngayon na matindi pala ang naging tama ni Claudine.

Aktor na mabait protektado ng mga kasamahan

Nagmula pala si male star sa isang broken home, at sa murang edad ay nagsarili na ng kanyang buhay. Dahil “kailangan” noon niya nakilala ang kanyang “friends” na nag-alaga sa kanya at tumulong din para siya maging isang artista. Noong artista na siya, siyempre mas dumami pa ang kanyang “friends” kabilang na ang isang fashion designer. Later on, naging favorite male actor naman siya ng isang “cougar na producer”.

Ngayon naman, sinasabi nilang mabait si male star, kaya nga siguro hindi naman siya pinapagtsismisan ng kanyang mga kasamahan kahit alam nila ang kanyang “pinagmulan”.                           

 

 

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with