^

PSN Showbiz

Dyowa ni Karla, umaasa na sa kanilang forever!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Dyowa ni Karla, umaasa na sa kanilang forever!
Karla at Jam

Noong Biyernes ay ipinagdiwang ni Karla Estrada ang kanyang ika-46 na kaarawan sa Magandang Buhay. Naging espesyal na panauhin bilang co-host sa naturang programa ang panganay na anak na babae na si Magui. Ayon sa dalaga ay masayang-masaya silang magkakapatid dahil sa buhay pag-ibig ni Karla. Mahigit isang taon nang kasintahan ngayon ng aktres si Jam Ignacio. “Siyem­pre kaming magkakapatid, ang iniisip lang namin is siyempre ang kaligayahan ni Mama. We always talk about na okay na masaya si Mama. Settled na tayo diyan because as long as she’s happy, we’re happy. As long as she’s safe, we’re sure, basta happy si Mama,” paglalahad ni Magui.

Naging panauhin din sa morning show si Jam kaya diretsahang naitanong ni Magui kung panghabambuhay na ang relasyon nila ni Karla. “Sa akin, ‘yon ang nakikita ko,” giit ni Jam.

“Ako, wala akong mapaglagyan ng saya dahil matagal na natin itong hinintay, idinarasal. So you know everything is lifted up to God. Ang mga anak namin eventually kapag lumaki ay may kanya-kanyang pamilya. Might as well tumanda ako hanggang matapos ang buhay ko ay kasama ko ‘yung taong totoong mahal ko at aalagaan ako. So ‘yon lang ang dasal na sana ito na ang maging huli, ito na ang huli. Itong taong ito,” makahulugang pahayag naman ni Karla.

Wala na raw ibang mahihiling pa ang Magandang Buhay host para sa sarili. Ayon kay Karla ay para sa ibang tao na lamang ang kanyang iniisip sa ngayon.  “Ang birthday wish ko talaga is para sa ating mga kababayan na nahihirapan ngayon na makatayo sila agad-agad dito sa lungkot at hirap na nararamdaman nila. ‘Yon ang aking wish talaga and of course, good health for the entire family,” pagtatapos ng aktres.

Karylle, aktibo sa pagtulong

Bukod sa pagiging TV host ay abala na rin si Karylle sa pagiging isa sa Producer ng Sanggre Productions. Kasosyo ng singer ang mga kaibigang sina Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Iza Calzado at ang direktor na si Mark Reyes sa natu­rang production company. Ang tanging hangarin ng magkakaibigan ay makapagbigay ng mga trabaho para sa mga kasamahan sa industriya at para makagawa ng mga makabuluhang proyekto. “We were really inspired to create job opportunities. I don’t think we ’ve ever worked this hard. We’ve been pitching left and right to be honest. We’ve had a lot of bad pitches and all that,” kwento ni Karylle.

Aktibo rin ang It’s Showtime host sa pagtulong sa mga kababayang labis na naapektuhan ng covid-19 pandemic at ng mga nakaraang kalamidad. “The music scene has been doing a lot of work actually together under the leadership of Ryan Cayabyab. We’ve been doing a lot of fundraisers. In March we did Bayanihan Musikahan for the pandemic and now it’s continuing. We’re doing a project with several people that we’re going to be helping and of course the people affected by the typhoon. But also ‘yung mga ospital din na humingi ng tulong. So very, very soon you’ll be watching that,” pagdedetalye ni Karylle. Reports from JCC

vuukle comment

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with