^

PSN Showbiz

Ara, inilantad na ang bagong karelasyon

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ara, inilantad na ang bagong karelasyon
Ara

Matagal nang bulung-bulungan ang tungkol sa relasyon umano ni Ara Mina sa isang businessman at dating pulitiko. Ayon sa aktres ay nasa tamang pa­nahon na upang magkaroon siyang muli ng kasintahan.

“Kailangan din maging masaya ka muna sa sarili mo before ente­ring into a relationship. I think it’s time na rin to open my heart again. Di na rin ako bumabata. Careful ako because may anak na ako. Ibig sabihin I need to choose carefully kung sino ‘yung lalaking matatanggap ako at ang anak ko at mamahalin kami pareho,” makahulugang pahayag ni Ara.

Si Dave Almarinez ang lalaking tinutukoy ng aktres. Para kay Ara ay na kay Dave na ang lahat ng mga katangian bilang kasintahan. May isang anak si Ara kay Mayor Patrick Meneses at mayroon na ring anak si Dave sa dati nitong nakarelasyon. “Naiintindihan niya ako. Tanggap niya kasi may anak na rin siya sa past relationship niya at na-meet ko na rin. She’s so sweet. Si Dave mabait, matulungin, masipag. Napakasimpleng tao niya at higit sa lahat super duper tiyaga niya. Hindi siya nawala. Nakita ko na malinis ang intension niya sa akin and he’s really very serious. Sa rami naman siguro ng pinagdaanan ko na rin sa buhay, malalaman ko rin naman kung ano ang intension ng lalaki,” pagbabahagi niya.

Inabot ng dalawang taon ang ginawang panliligaw ni Dave kay Ara. Naipakilala na rin ng magkasintahan ang isa’t isa sa kanilang mga mahal sa buhay. “Well nakilala na niya ang parents ko, mga kapatid ko at ilang mga kaibigan ko. Di ko na nakilala pa­rents niya kasi wala na and dalawa lang silang magkapatid. Napakilala na niya ako sa sister niya, si Ate Geraldine na isang doctor sa ibang bansa. Pinakilala rin niya ako sa mga kamag-anak niya sa Laguna at mga pinsan niya,” kuwento ng aktres.

Kim, may benefit concert

Isang virtual concert ang pinaghahandaan ngayon ni Kim Chiu. Ilalaan ng aktres ang kikitain nito para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses. “I saw the news and the people na natamaan ng bagyo nitong huli. So I’m having a virtual concert dapat on December 12. I’m going to make it into a benefit concert so all the proceeds of that virtual concert na Bawal Lumabas, I suggested na this time let’s make it a benefit concert. So I invited YouTubers na nag-viral at the same time. So we’re going to have a big viral concert. So nasa ktx.ph siya and lahat ng proceeds do’n will be given sa mga Kapamilya na natamaan extremely nitong bagyo. For now ‘yon pa lang ang plano ko,” pagbabahagi ni Kim.

Nais lamang ng aktres na maging makabuluhan ang gagawing concert kaya nakipag-ugnayan na rin ngayon sa ilang LGU o local government unit. “Parang sabi ko, hindi ko kayang mag-concert na to end this year na parang, para saan? This happened so parang I think it’s a way also na parang sabi ni God, ‘Gawin mo pero tumulong tayo.’ I’m happy also to do that and ‘yung mga na-invite ko nga mga YouTube creators, I’m excited to do that at the same time, it will help a lot of people. Meron kasi sa Marikina na Bagong Marikina so we will partner with them and ngayon ‘yung nangyari sa Cagayan Valley baka makipag-partner din kami sa officials sa Cagayan Valley,” pagdedetalye ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with