^

PSN Showbiz

Zia, Tali at Scarlet, mga superstar na agad

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Zia, Tali at Scarlet, mga superstar na agad
Scarlet, Zia at Tali

Ang saya-saya siguro, Salve, ‘pag ang mga anak mo ay tulad nina Zia Dantes, Talitha Sotto at Scarlet Belo. Ang tatlong batang ito ang masasabi mo na most popular among celebrity kids at talagang marami silang followers na tuwang-tuwa sa kanila.

Halos lahat kilala talaga sila at pinag-uusapan. Masasabi ngang mga bata pa superstar na kung maituturing sina Zia, Talitha at Scarlet.

Kaya naman suwerte ng mga mother nilang sina Marian Rivera, Dra. Vicki Belo at Pauleen Luna. Umaapaw siguro ang happiness nila dahil alam nila na ang daming nagmamahal sa kanilang super kids.

Bongga, tatlo agad ang future superstars natin, konting panahon na lang, ibang generation na.

Mark, kailangan na talagang maging focus

Wish ko talaga na sana tulad ni Paolo Contis na mukhang naging tahimik at nagkaroon ng direction ang buhay mula nang maging sila ni LJ Reyes, ganundin ang mangyari kay Mark Herras. Magiging tatay na siya dahil malapit nang manganak si Nicole Donesa. At sana nga ‘yung dati ay passive approach niya sa buhay at kanyang career ay maiba.

Tulad sa paulit-ulit kong sinasabi, sana magkaroon na siya ng competitive spirit, maging focus na rin at magkaroon pa ng fire ang kanyang acting. Hindi ‘yung growing older refusing to grow up attitude na meron siya dati.

Hindi kasi dapat lahat ng obligasyon dadalhin mo, ok lang tumulong pero doon lang sa kaya mo, huwag ‘yung pipilitin mong kayanin ang lahat.

Ngayon na ikaw mismo ay meron nang pamilya, dapat ito muna ang unahin mo. Hindi pa naman huli ang lahat, inaalagaan namang mabuti ng Artists Center si Mark, kaya sana this time, mag-shine nang mabuti ang kanyang star. Hindi man matinee idol, isang character actor na kikilalanin dahil sa professional siya at may drive sa buhay. Wake up, Mark, and grow up.

Mga pelikula, parang hindi pa rin gumagalaw

Parang nami-miss ko, Salve, ‘yung mga meeting natin kina Chair Rachel Arenas at Liza Diño. ‘Yung mga small chikahan ba para pag-usapan ang showbiz industry. Kasi nga naman sa ngayon, ang laki rin ng problema nila, dahil walang gumagawa ng mga pelikula, at iba na ang condition sa movie watching.

Biruan nga na hindi nagamit ang ID ng MTRCB dahil seven months nang naka-quarantine, pagkatapos wala pang bukas na sinehan. Kung kailan pa naman ang mga chairman natin sa dalawang agency ay mga aggressive at very modern ang pananaw sa showbiz happenings.

Hay naku, sana next year, meron na uling sinehan at mga pelikula na magbabalik-sigla sa entertainment. Too long na ang hiatus, hindi na maganda. Parang stand still na hindi gumagalaw. Kailangan na ang movement. Let’s do it na, wala nang excitement.

vuukle comment

SCARLET BELO

TALITHA SOTTO

ZIA DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with