^

PSN Showbiz

Luis at Jessy, takot pang maka-bonding ang pamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Luis at Jessy, takot pang maka-bonding ang pamilya
Luis at Jessy

Mahigit apat na taon nang magkasintahan sina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Ayon sa TV host ay maraming beses na nilang napag-usapan ng aktres ang tungkol sa planong pagpapa­kasal. “Pinag-uusapan naman ‘yon before pa actually. First or second year pa lang namin ni Jessy pinag-uusapan na ‘yan. Saka ‘di naman maikakaila na medyo pa-senior na rin ako, I’m not the youngest guy on the block. So do’n din papunta talaga ‘yung future. Everything I do right now, kumbaga, part siya ng grand plan of settling down. Hindi lang ‘to ‘yung basta, ‘Ay! Tanggap akong show para may panggastos ako, hindi. Nga­yon tanggap akong ganito para may panggastos sa magiging pamilya, may pahabol ng thought na gano’n,” pagbabahagi ni Luis.

Kahit may kanya-kanyang mga trabahong pinagkakaabalahan ang magkasinta­han ngayon ay sinisikap pa ring makapagkita ng dalawa. Ang hindi nakakasama nina Luis at Jessy ay ang kanilang mga pamilya dahil na rin sa pagpapatupad ng community quarantine. “Nakakapag-quality time kami. We got to spend time with each other din naman talaga. Ang hirap nga din kasi dahil kaming dalawa, kahit paano medyo bagets pa. So ang pinakana-miss namin would be quality time with family. ‘Yon ‘yung pinakana-miss namin. Kasi she works, I work so you never know eh. Kasi mamaya one may be asymptomatic. Siyempre ayokong dalhin kung ano man ‘yun sa pamilya ko. And siya rin naman, so kami, may quality time pero sana may quality time kami sa mga families namin,” paglalahad ng aktor.

Marco, basted kay Julia

Sa kauna-unahang Drink and Spill episode ni Julia Barretto sa kanyang YouTube channel ay naging panauhin si Marco Gumabao. Napag-usapan nina Julia at Marco ang tungkol sa kanilang nakaraan. Anim na taon nang magkaibigan ang dalawa. Nagkakilala sina Julia at Marco sa Star Magic dahil iisa lamang ang kanilang talent handler. Ngayon ay parehong nasa panga­ngalaga ng Viva Artists Agency ang dalawa.

Aminado si Marco na talagang nagkagusto at niligawan niya si Julia noon. “Oo naman, back story lang. Before siyempre lagi kaming magkakasama every week. Three times a week magkakasama kami, minimum iyon. Siyempre mahihirapan kang hindi ma-attract sa kaibigan mo di ba,” pagtatapat ni Marco.

Hindi pa handang makipag­relasyon si Julia noon kaya hindi sinagot ang aktor. Kahit hindi nagkaroon ng espesyal na ugnayan ang dalawa ay nanatili namang malapit na magkaibigan sina Julia at Marco. “Solid talagang kaibigan si Julia. Minalas siya kasi hindi niya ako sinagot. Dumaan naman ako before sa phase na I liked Julia. Bata pa lang kami noon, we were like 19 siya, 18, tapos ako mga 21,” natatawang kuwento ng aktor.

Ayon naman kay Julia ay hindi sila kailanman nakaramdam ng pagkailang sa isa’t isa kahit walang namagitan sa kanila ni Marco. “What’s great about that event happening in our friendship, we were never awkward after that. It never really did anything bad for our friendship. In fact, I think it made it stronger. As for him, I told him at that time, I said, I respect you so much,” paliwanag ni Julia. Reports from JCC

 

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with