^

PSN Showbiz

Jolina at Marvin, ayaw madaliin ang reunion

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jolina at Marvin, ayaw madaliin ang reunion
Jolina at Marvin

Magdadalawang taon na ang nakalilipas nang mapaba­litang magtatambal muli sa isang pelikula sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natutuloy ang reunion project ng dalawa. “Actually ang nasabi ko nga lang diyan, sa mga ganitong panahon, hindi natin pwedeng madaliin ang project. Ang importante sa amin ni Labtim (tawagan nina Jolina at Marvin) ay gustung-gusto talaga namin na gumawa ng project. Gusto namin, hindi lang para sa sarili namin kung hindi para roon sa mga humahanga at gusto kaming mapanood ulit. Pero I think the right project will come. Huwag silang mag-alala. Ang dahilan ng hindi pagkakatuloy ay hindi dahil hindi namin gusto. Gusto namin mas magandang project,” paglilinaw ni Marvin.

Ayon naman kay Jolina ay palagi nilang napag-uusapan ng aktor ang mga plano sa muli nilang pagtatambal sa proyekto. “Lagi ka­ming nag-uusap, sabi ko nga umoo ako roon sa project no’ng una pa lang kasi si Marvin ‘yon. So kung hindi rin makikita na hindi pa pwede ituloy  ay okay lang sa akin. Siyempre nalungkot ako kasi nag-look forward na kaming dalawa. Nag-uusap kami lagi, tapos napagkasunduan namin na sige huwag na rin nating madaliin. Kasi sa panahon ngayon, talagang alam mo na pinapanood ‘yung quality,” kuwento ni Jolina.

Matatandaang pumatok nang husto sa takilya ang mga pelikulang pinagbidahan nina Marvin at Jolina mahigit dalawang dekada na ang nakararaan.

Barbie, idini-display na ang stretch marks

Noong isang linggo ay nakailang post si Barbie Imperial ng mga larawang naka-two piece sa Instagram. Napansin ng mga netizens na mukhang nagpapaseksi umano ang aktres sa social media para sa mga naging kasintahan noon. “Hindi siya para sa ibang tao. Hindi siya para sa past na naging boyfriend or naging guy ko. No’ng 2018 baka oo pero hello, it’s 2020. Pino-post ko naman ‘yon kasi gusto ko siya talagang i-post. Before kasi sobrang na-insecure ako sa stretch marks ko. Ma-stretch marks akong tao. Sobrang halata niya kasi ang puti-puti ko. Ngayon habang tumatagal and habang tumatanda ka, parang you learn to love your own body talaga. Pino-post ko talaga siya para sa sarili ko na parang nakikita ko rin na wow, ito ‘yung improvement and masaya ako na nakikita ko na mas nagi­ging okay ‘yung body ko. Kasi mas gusto ko pa siyang pagandahin lalo,” paliwanag ni Barbie.

Naging kontrobersyal ang hiwalayan ng aktres at Paul Salas noong 2018. Pagkatapos nito ay nagkaroon naman ng espesyal na ugnayan sina Barbie at JM de Guzman nang magkatambal sa teleseryeng Araw Gabi. “To be honest ‘yon talaga ‘yung time na siyempre bata pa ako, ‘pag na-in love sobra-sobra. When I love, mahal ko talaga ‘yung tao. Ako ‘pag nagmahal ako, mahal na mahal ko talaga ‘yung tao. I think gano’n naman talaga ang buhay. Paiba-iba talaga but you just have to learn how to accept it and i-live mo lang ‘yung buhay mo. Someday magiging stories na lang tayong lahat, magiging memories na lang tayo. So mabuhay lang tayo nang masaya,” makahulugang paglalahad ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

JOLINA MAGDANGAL

MARVIN AGUSTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with