^

PSN Showbiz

Kris, hindi pa rin pinag-aadya sa talk show

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Muli na namang naudlot ang talk show ni Kris Aquino na mapapanood sana sa social media account ng isang kilalang grocery store.

Hindi natin alam kung kailan talaga ang right ­timing para sa kanya, pero mas maganda nga sigurong ipahinga muna ni Kris at kung may chance na makapagbiyahe, lumabas muna siguro sila ng bansa para pasi­ngawin ang negative vibes at makapag-recharge na rin.

Dapat ay kasama niya rito sina Nay Lolit Solis, Tita Cristy Fermin at Mr. Fu ng Take It... Per ­Minute, Me Ganun.

Nagkaproblema lang nang magkaroon ng isyu kay Mr. Fu kaya hindi natuloy ang tatlo pagkatapos simulan ni Tita Cristy ang pag-atras sa project na ito.

Ang buong akala namin, tuloy pa rin dahil kay Kris naman talagang show ito at portion lang silang tatlo saka kaya naman niyang mag-talk nang talk sa loob ng isa’t kalahating oras na show. Pero ang kasunod na pangyayari, nagkaroon na siya ng COVID scare. Kailangan nilang ma-quarantine dahil na-test na positive ang isang driver nila. Hindi  na rin daw itinuloy ang shoot niya para sa isa pang endorsement dahil sa inatake na siya ng laryngitis.

Natiyak namang hindi siya nahawa sa CO­VID-19 dahil na-clear naman silang lahat at negative ang resulta sa kanilang PCR test.

Pero nag-decide na rin daw ang kliyente na huwag nang ituloy ang shoot dahil sa ubo, sipon at nawalan na raw siya ng boses.

“It was there that i started to lose my voice because of the nonstop coughing & my BP had gone up to 150/100.

“Na-prove sa kin kung gaano ka compassionate yung brand that i represent. Since i also produce, alam ko kung anong expense ang involved dahil hindi tinuloy yung shoot,” bahagi ng post ni Kris.

Pati itong talk show niya ay hindi na rin itinuloy.

Glaiza inaaral kung bibiyahe sa Ireland

Habang hinihintay pa ni Glaiza de Castro ang bagong drama series na gagawin niya sa GMA 7, pinag-iisipan daw niyang pumunta muna ng Ireland para makasama roon ang boyfriend niyang si David Rainey.

Kasama rito ni Glaiza si David noong nagsimula ang Enhanced Community Quarantine at nasa resort lang daw sila sa Baler, Quezon pero noong April ay bumalik na rin daw ito ng Ireland.

Kaya noong nag-celebrate daw sila ng kanilang second anniversary last June ang unan lang na may picture ni David ang nai-surprise sa kanya.

Sobrang nami-miss na raw niya ang boyfriend kaya nagtitingin-tingin daw siya ngayon ng mga dapat gawin kung lalabas siya ng bansa. “Ito nga recently nag-join ako sa isang group sa Facebook na update about travel ban.

“Maraming mga couple na…’yun na nga eh ikakasal na dapat this year, imagine how hard it feels na ikakasal na lang, hindi pa matuluy-tuloy kasi hindi nga puwedeng pumunta yung partner mo rito. Tapos ang hirap naman din ng proseso ng pagkuha ng mga document. So, tinitingnan ko at inaaral ko pa rin po kung worth it ba, risky ba na umalis. Kasi tayo, recently na-lift yung outbound travel. So, ang mga Filipino puwede nang umalis.  Non-essential travels allowed na,” saad ni Glaiza nang makapanayam namin sa radio program namin sa DZRH.

Kaya kinausap raw niya ang parents niya at inaalam pa kung magsisimula na ba siya sa GMA 7. “Na-bring up ko na sa parents ko. Sabi nila, sige pag-usapan natin ‘yan, ipag-pray natin kasi mangyayari naman yan kung ano eh…sa tamang panahon.

“Sa ngayon po hindi pa rin ako tumitigil mag-research, magtanong kasi gusto ko rin malaman kung ano ba yung proseso,” sabi pa ng Kapuso actress.

Bahagi si Glaiza sa bagong drama series na The Seed of Love, pero wala pang balita kung magsisimula na sila ng lock-in taping. So far, sa All-Out Sundays pa lang siya at mapapasama na rin daw siya sa studio.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with