^

PSN Showbiz

Kris walang kupas ang pagiging bratinella!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sinadya naming huwag maglabas ngayon ng blind item. Time out muna tayo sa kuwentong nasa ilalim ng carpet ang pangalan ng personalidad na bumibida. Mas maganda ang may pangalan.

Si Kris Aquino ang sentrong paksa sa istor-yang ito. Si Kris na minsan pang nagpalutang ng kanyang kayabangan at pagiging bratinella.

Si Kris na ilang taon na ngang nagsusumamo sa mga network na bigyan siya ng programa pero palagi siyang bigo. Nagsisimula pa lang siyang ibenta ng nagtutulay sa kanya ay no na agad ang sagot ng mga ehekutibo.

Maraming kabiguan na ang kanyang naranasan, ilang bagsak at bangon na nga siya, pero hanggang ngayo’y kipkip pa rin niya ang pagpa-power trip.

Dati na siyang ganu’n, kung ano ang gusto niya ay palaging kailangang masunod, pero akala nami’y nagbago na siya dahil ilang taon na nga siyang walang proyekto.

Sabi nga, mabuti pa ang taong matakaw at may kabusugan, pero ang kayabangan ay walang gamot na katumbas.

May inilatag na proyekto sa amin si Salve Asis, ang PM namin sa Take It, Per Minute…
Me Ganun, kinukuha raw kami ng Puregold para sa isang programang si Kris Aquino ang aming makakatrabaho.

Nag-meeting na sina Manay Lolit Solis, Mr. Fu, Chuck Gomez, Salve Asis at ang mga kinatawan ng Puregold. Wala kami sa meeting, kinailangan naming umuwi agad para sa work from home naman namin sa Cristy Ferminute, ikinuwento na lang nila sa amin ang magiging takbo ng palabas.

Nasa Mga Obra Ni Nanay kaming tatlo nina Manay Lolit at Mr. Fu, nasa opisina naman ng Cornerstone si Kris sa loob nang apat na Linggo, sa panglima hanggang sa pangwalo ay sama-sama na kami sa Cornerstone.

Plantsado na ang lahat. Maayos ang usapan. Pati ang talent fee namin ay napag-usapan na. wala nang problema.

Kris ‘di kilala si Mr. Fu...

Pero isang araw ay lumutang ang hindi magandang kuwento. Ayaw ni Kris na makasama si Mr. Fu. Hindi raw niya kilala ang may sarili nang tagasuportang radio-TV host, at hindi raw namin ka-level si Mr. Fu, ayon kay Kris.

Ipinaglaban ni Manay Lolit si Mr. Fu, nasa meeting ang inaayawan ni Kris, sana’y nilinaw na nu’ng una pa lang na hindi pala kasama sa proyekto ang
aming kasama sa TIPMMG.

Solido ang aming samahan sa digital talk show, buong pakete ang pinagkasunduan, bakit biglang inilaglag ni Kris si Mr. Fu?

Wala lang. Hindi raw kasi niya kilala si Mr. Fu, saka hindi namin ka-level ni Manay Lolit, sa pakiusap ni Manay Lolit ay pumayag na rin si Kris pero parang OJT lang si Mr. Fu para sa apat na episodes.

Hindi naging maganda sa aming panlasa ang ginawa ni Kris. Heto na naman siya, pinaiiral na naman niya ang kasabihang “What Kris wants, Kris gets.”

Sabi ni Mr. Fu pagkatapos nitong mabasa ang mahabang text ni Kris kay Manay Lolit, “Huwag ka nang magalit, ‘Nay, carry ko ‘yan. Gagawin ko ang show para sa inyo ni Manay Lolit.”

May bikig sa lalamunan ng aming kasama, napakasakit tanggihan lalo pa’t alam mo namang may magagawa ka rin namang maganda para sa show, parang ninakawan ni Kris ng tiwala sa sarili si Mr. Fu.

Mapakla ‘yun sa aming panlasa, kaya ilang oras lang pagkatapos ng TIPMMG ay tinawagan na namin si Salve Asis, tinanggihan na naming gawin ang show na kasama si Kris.

Nang malaman ni Manay Lolit ang aming desisyon ay ayaw na rin nitong gawin ang show, lalo naman si Mr. Fu na minenos at minaliit ni Kris ang kapasidad, ibinasura na namin sa aming isip ang show.

Umaapela si Chuck Gomez, kahit isang Sunday lang daw sana ay pumayag kami, pero mas matibay ang hawak naming prinsipyo sa pagtangging makatrabaho si Kris Aquino.

Walang pagbabago...

Minsan nang ginawa ni Kris ang ganito kay Wendell Alvarez, pinangalawahan pa niya kay Mr. Fu, hindi na namin ‘yun mapalalampas.

Sa kaalatan ng kanyang career bilang TV host na wala na ngang kumukuhang network sa kanyang serbisyo ay wala pa ring pagbabago si Kris Aquino.

Hindi pa rin siya bumababa sa kanyang pe-destal, akala ni Kris ay nasa ituktok pa rin siya ng kasikatan, akala ni Kris ay puwede pa ring umandar ang kanyang pagyayabang.

Humihingi kami ng paumanhin kay Ms. Susan Co ng Puregold, pinili nila ang Take It, Per
Minute… Me Ganun para maging bahagi ng kanilang proyekto, pero hindi natuloy. Ang panghihingi namin ng pang-unawa sa tiwalang ibinigay ng kanilang kumpanya sa aming digital show.

Talaga lang pong hindi namin masisikmurang makatrabaho ang isang taong walang respeto at pagpapahalaga sa kanyang kapwa.

vuukle comment

KRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with