^

PSN Showbiz

Kris, wala na sa GMA

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kris, wala na sa GMA
Kris Bernal

Hindi man na-renew ang kontrata ni Kris Bernal sa GMA 7 na naging dahilan ng pagka-depress niya, tila nakakabawi na siya ngayon dahil may mga guesting na siya sa TV5.

Ang latest na nasagap namin, may gagawin na raw itong soap sa TV5 na ipu-produce ng APT Entertainment. Itinanggi naman ng taga-APT na pinagtanungan ko kung ima-manage na ba nila si Kris.

Pero sa ngayon, bukod sa ilang guestings, inaabala naman ni Kris ang sarili sa restaurant nila ng fiancé niyang si Perry Choi, dahil muli nila itong binuksan for dine in. Busy din siya sa kanyang She cosmetics na okay naman daw ang takbo sa online at direct selling. Mahirap daw talaga mag-maintain ng negosyo sa panahon ngayon pero gusto pa rin daw niyang ituloy bilang tulong na lang sa mga tauhan niya. “Kinonsider ko na rin na donation ko sa mga tao eh. Kasi mahirap talaga mag-keep up ng restaurant, May binabayaran kang rental, electricity, may binabayaran kang maintenance. So, huwag tayong umasa na malaki ang kinikita.

“So, naisip ko na rin. Siguro monthly naglalabas ako ng ganitong amount, parang donation ko na siya,” saad ni Kris.

Sen. Bong mabilis ang ayuda sa estudyanteng nakatanggap ng bato imbes na laptop

Isa si Sen. Bong Revilla sa tumulong sa Ilong­gong si Arthur Ramos Baylon na nag-order ng laptop sa online shop pero tatlong bato ang dumating sa kanya.

Nag-viral ito dahil ang daming naawa sa bata. Matagal daw niyang pinag-ipunan iyon para magkaroon lang siya ng laptop para magamit sa online schooling niya.

Nang naglabasan ito sa balita, kinausap si Baylon nina Sen. Bong para makuha ang detalye. Nangako si Sen. Bong na padadalhan na siya ng laptop, at iimbestigahan din daw nila itong online shop na ito dahil responsibilidad nga naman nila ang logistics facility nito.

Naka-text namin itong si Baylon at nagpapasalamat siya sa mabilis daw na response ni Sen. Bong Revilla, at pati ang ibang taga-gobyerno na tumulong din sa kanya.

Hunk actor na host ng kantahan, dakila AT nag-multi tasking sa dalawang foreigner

Lalong pinagnanasaan itong hunk actor na naghu-host sa isang weekly show na may kinalaman sa kantahan. Ang dami kasing naglabasang kuwento tungkol sa pagiging matulis niya at isa raw siyang ‘dakilang’ aktor.

Kamakailan lang ay pinaglawayan ng mga kaba­dingan ang isang video na lumabas sa YouTube na bakat na bakat ang kabukulan nito. Mukhang confirmed nga ang pagiging dakila nito.

Kuwento nga ng isang kaibigan, talagang matulis daw itong si hunk actor na napatunayan noong minsang dumalo raw ito sa isang malaking event sa kabisayaan.

Wala pang pandemic nang mangyari iyong nakasalo ni hunk actor ang dalawang magandang foreigner na nakilala niya sa event na iyon.

Niyaya ni foreigner na girl si hunk actor sa hotel niya. Pagpasok nila ng kuwarto, may kasama pala doon si girl na isa ring fo­reigner na natutulog naman.

Sabi ni aktor sa girl na nagyaya sa kanya, sa banyo na lang nila gawin ang binabalak nila. Ayaw daw ng girl, doon na raw sa kama nila kahit tulog ‘yung isang girl na kasama niya.

So, ayun itinuloy na ni hunk actor ang ginagawa niya sa nakilala niyang foreigner na iyon.

Pero walang kamalay-malay si foreigner, nagi­sing ang kasama niyang girl at may ginagawa rin pala siya sa likuran ni aktor. Nakahubad na rin ito at abala rin ang kamay ni aktor sa babaeng iyon.

Pagdating sa kama, ang galing pala sa multi-tasking itong si hunk actor.

vuukle comment

KRIS BERNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with