^

PSN Showbiz

ABS-CBN closure at pandemic, naapektuhan ang MTRCB

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN closure at pandemic, naapektuhan ang MTRCB
Rachel
STAR/ File

Nabawasan pala ang budget ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa pagpapasara sa ABS-CBN. Forty percent diumano ang nabawas sa nasabing ahensiya ng gobyerno dahil sa kawalan ng mga bagong palabas.

Last 2019, umabot daw sa P22.8 million ang review fees ng nakasaradong network pero for this year na last quarter na, P7.4 lang ang nakolekta nila rito.

Bukod sa kawalan ng franchise ng ABS-CBN, matindi rin ang epekto sa movie industry ng coronavirus pandemic kaya walang nagpapa-review.

Walang bukas na mga sinehan at walang makagawa ng mga pelikula, kaya apektado talaga ang MTRCB headed by Chair Rachel Arenas.

Kahit ang foreign films ay walang bagong ipina­lalabas. Ang Bond movie nga na No Time to Die, sa April 2021 na ipalalabas. “MGM, Universal and Bond producers, Michael G. Wilson and Barbara Broccoli, today announced the release of NO TIME TO DIE, the 25th film in the James Bond series, will be delayed until 2 April 2021 in order to be seen by a worldwide theatrical audience. We understand the delay will be disappointing to our fans but we now look forward to sharing NO TIME TO DIE next year,” ang formal announcement sa 007 social media account nila kahapon.

May advice na malapit nang mag-operate ang mga sinehan sa Metro Manila with 50% capacity lang. Ang tanong nga lang, may mga manonood ba ng pelikula? Or kung meron mga ilan kaya?

Sa TV naman, limited ang new shows na palabas kaya konti rin lang ang nagpapa-review.

Merong mga bagong project pero for digital platforms na hindi naman kailangang dumaan sa MTRCB.

Aggressive pa naman ang MTRCB sa mga kampanya nila para sa responsableng panonood. Paano kaya ngayong bawas na ang pondo nila?

Ahhh baka nga sa 2021 na makabalik sa normal ang lahat sa movie industry.

Anyway, on the lighter note, may kilala akong lungkot na lungkot din dahil first time niyang nagkaroon ng MTRCB deputy card at parang thrice pa lang daw niyang nagagamit, nagkaroon na agad ng pandemic kaya sarado na ang mga sinehan.

Malapit nang mag-expire ang nasabing card.

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with