^

PSN Showbiz

Joshua, mas mature na babae na ang trip!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, mas mature na babae na ang trip!
Joshua Garcia

Wala pang bagong kasintahan ngayon si Joshua Garcia. Matatandaang kontro­bersyal ang naging hiwalayan ng aktor at ang dating karelasyon na si Julia Barretto. “Okay namang wala, hindi ko naman siya focus ngayon. Mas focused ako sa sarili ko. Sa ngayon hindi pa kasi natin masabi, kasi dumadating iyan nang biglaan. Kung ako naghahanap, may tao ring naghahanap. Feeling ko destiny, baka ngayon sinasabi ni God sa ‘yo na, ‘Mag-focus ka muna sa sarili mo. Mas mahalin mo pa muna ang sarili mo para pagdating ng time na nasa relationship ka na, committed ka,’” makahulugang pahayag ni Joshua.

Ano kayang mga katangian ang hinahanap ng aktor sa isang babae na kanyang mamahalin? “Gusto ko ‘yung matatanggap ako ng buong-buo. Simple lang ako sa buhay. Pwede akong tumira sa probinsya, pwede akong tumira sa Maynila. Kung maa-accept niya ako ng buong-buo, kaya niyang tumira kasama ako. Nag-iiba ‘yung trip kong babae habang tumatagal. Nag-iiba ‘yan dahil ikaw mismo ay nagma-mature. Ngayon parang gusto ko ‘yung babae din na mahilig magbasa. Iba rin ‘yung gano’n kasi matuturuan ka rin. Gusto ko ‘yung mas mature sa akin,” pagbabahagi ng binata.

Samantala, ipapagpatuloy na ni Joshua ngayon ang kanyang pag-aaral upang makatapos ng kolehiyo. “Actually I started stu­dying na ulit. Nag-enroll ako recently lang, plano kong kunin business entrepreneurship. Sayang ‘yun time na walang ginagawa eh,” pagtatapos ng aktor.

Juday, chikang payapa ang training sa mga empleyado

Mayo noong isang taon nang simulan nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang Angrydobo restaurant na matatagpuan sa Taft Avenue. Malakas ang negosyo ng mag-asawa kaya naman nagbukas muli ng ikalawang sangay nito sa Westgate Alabang noong Dis­yembre. Ikinalungkot ni Judy Ann ang pansamantalang pagsasara ng mga negosyo nang ipatupad ang community quarantine noong Marso dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “So wala pang six months. Lahat kami natulala na parang, ‘Huh? Anong nangyari? Kalalabas lang natin.’ Delivery (service), it really helps a lot to keep our employees. But some of our employees here sa Westgate, hindi rin makapasok kasi sa Laguna rin sila nakatira. And naiintindihan naman namin ‘yung decision ng parents na huwag muna silang papasukin. We value and respect that. So sobrang skeleton crew kami on both branches,” pag­dedetalye ni Juday.

Kahit abala sa trabaho bilang isang artista ay tinututukan umano ng aktres ang mga negosyo at maging ang mga empleyado nito. “In fairness sa cast members namin, we don’t call them staff kasi they cook in an open kitchen. And kasama sa training nila ‘yung performance. Nakikita ng mga tao kung paano sila magluto. May training ‘yan kung paano sila mag-communicate, kung paano sila mag-uusap na hindi nakakairita sa pandinig, na kapag nag-uusap sila gugustuhin ng mga customers na makinig. ‘Yung chikang payapa pero masaya silang pakinggan, masaya silang panoorin. That’s why we call them cast members,” masayang kuwento ng aktres. Reports from JCC

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with