^

PSN Showbiz

Dating sexy star na si Aya Medel naka-apat na opera na

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon
Dating sexy star na si Aya Medel naka-apat na opera na
Aya Medel
STAR/ File

Sumailalim sa isang major surgery ang former sexy actress na si Aya Medel.

Sa kanyang Facebook account, pinost ni Aya ang kanyang photo habang nakahiga siya at naghihintay sa kanyang magiging operasyon.

Post pa niya: “Thank you for the doctors and nurses involved in my surgery. Please guide their minds and hands that they may work with care and skill. The Bible says that you will fight for me while I remain still, rooted in you. As I lay still in my operation, please work on my behalf so that the operation is a success and I get better. You have loved me and have freed me from my sins by Jesus’ blood. To you be glory and dominion forever and ever. Through Jesus Christ, our Lord, Amen.?”

Pang-apat na surgery na pala ito ni Aya dahil nagkaroon siya ng bleeding pagkatapos niyang ipanganak ang kanyang baby boy na si Simon. Kaya nangangailangan siya parati ng blood type O positive blood para sa kanyang transfusion.

Noong March pa raw sana naoperahan si Aya, pero dahil sa pandemic ay nakakansela ang scheduled operation niya.

“Sabi ngani ninda sako pahingalo man daw. Pero feeling ko mamamatay ako ‘pag nakahiga lng ako, maluya and buhay ko na walang ginagawa parang ‘Di ako makahinga pero syempre now relax lng me ta baad magralabunok na sana ako. Ito nararamdaman ko mula pa ng lockdown pero Di ako makasugod sa hospital ‘syempre isang covid lng sa akin tigok agad ako.”

Nagpasalamat si Aya sa maraming natanggap niyang blood donations mula sa kanyang pamilya at mga kababayang taga-Albay.

Sumikat si Aya bilang sexy actress dahil sa kanyang mala-papayang boobs at mauso ang mga “pito-pito” movies noong ‘90s. Kabilang sa mga pinagbida­han niya ay ang Sisa, Babae Sa Bubungang Lata, Akin Ka Lamang, Molata, Bawal at Siya’y Nagdadalaga.

Noong hindi na uso ang sexy movies, nag-aral si Aya ng culinary arts kay Chef Gene Gonzalez at nagtayo siya ng sariling restaurant sa Tabaco, Albay.

Dawn namuti ang buhok sa lockdown

Maraming fans ang bumilib kay Dawn Zulueta dahil pinanindigan nito ang paghaba ng kanyang mga uban or gray hair.

Perfect example daw ang aktres sa tinatawag na “ageing gracefully”.

Kahit na open na ang mga salon at puwede nang magpakulay ulit si Dawn ng buhok, hindi niya ito ginawa at pinabayaan niyang humaba naturally ang kanyang mga uban.

Pinost pa ng 51-year old actress sa Instagram ang kanyang latest look.

“Before #quarantinelife makes me completely disregard how to fancy-up.. makapag #makeup nga tutal mey taym #stayhomestaypretty #DIYmakeup #silverhairdontcare #DawnsUbanLegend,” caption ni Dawn.

Maraming followers niya ang pumuri sa aktres dahil sa pinakita nitong natural beauty.

Noong nakaraang April lamang nang ipakita ni Dawn sa IG ang paglabas ng kanyang mga uban. Challenge daw ito sa aktres na huwag magpakulay ng buhok habang may quarantine. “Almost 3 inches of my silver hair is visible now... I’m challenging myself not to do hair color while under #quarantine #lockdown,” post pa niya.

Biro pa ng aktres, ang pag-homeschooling daw sa kanyang dalawang anak ang nagpaputi ng kanyang mga buhok.

Actor-producer pasok sa billionaire’s club

Ang latest na member ng Billionaire’s Club ayon sa Forbes magazine ay ang actor-producer and philanthropist na si Tyler Perry.

Ayon sa Forbes, may net worth na $1.4 billion si Perry at ka-rank na niya ang iba pang billionaires tulad nila Oprah Winfrey, Steven Spielberg at George Lucas.

Sa kanyang acting career, nakagawa ito ng 22 films at lumabas sa higit na 1,200 television episodes sa iba’t ibang TV shows. Pag-aari rin ni Perry ang 330-acre studio lot sa Atlanta, Georgia kung saan ginanap ang Miss Universe 2019 at nagsu-shoot ng maraming movies at TV shows.

Bata pa lang daw si Perry ay pinahalagahan na niya ang bawat pera na kitain niya.

“My father was a subcontractor, and he would get paid on Fridays and be so happy that he had made $800. But I would watch the man that owned the house sell it and make $80,000. So I always knew that there was more power in the man that owned the house rather than the man that actually was working on it and building it. So I always wanted to be the guy that owned the house.”

Sa lahat ng pasukin na negosyo ni Perry, gusto niyang mabigyan equal opportunity ang lahat.

Sumikat si Tyler Perry dahil sa Madea film series na kanyang nilikha since 2005 tulad ng Madea’s Family Reunion, Madea Goes To Jail, Madea’s Big Happy Family, Boo! A Madea Halloween at A Madea Christmas.   

vuukle comment

AYA MEDEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with