^

PSN Showbiz

Coco hindi na mahahabol si FPJ, Sen. Grace namigay ng tablets sa birthday ni FPJ

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Coco hindi na mahahabol si FPJ, Sen. Grace namigay ng tablets sa birthday ni FPJ
FPJ
STAR/ File

Eighty one years old na pala sana si The King Fernando Poe Jr. kahapon kung nabubuhay pa siya.

Kaya naman nagkaroon ng watch party ng pelikulang  Isusumbong Kita Sa Tatay Ko sa Facebook page ng Jeepney TV bilang pag-alala nga sa ika-81 kaarawan niya.

Napanood doon ang remastered version ng pelikula nila ni Judy Ann Santos na isa sa maituturing na hindi malilimutang movie ni FPJ.

Kwento nito ang buhay ng isang auto repair shop owner na si Badong (FPJ) at ng kanyang anak na si Joey (Judy Ann) na mag-isa niyang pinalaki dahil sa maagang pagkamatay ng kanyang asawa. Tila haharap ang masayang pagsasama ng mag-ama sa isang pagsubok nang muling nagkita si Badong at ang kanyang kababata na si Beth (Aileen Damiles) at ito ay may dalang pangamba kay Joey.

Teka nasaan na nga ba si Aileen Damiles na dating beauty queen at nabanggit kamakailan lang ang pangalan sa isang kontrobersiya.

Anyway, bukod sa nasabing watch party,  ibang celebration naman ang ginawa ni Sen. Grace Poe para sa kanyang yumaong ama na isang National Artist.

Ito’y sa pamamagitan ng pagdo-donate ng 50 tablets para sa mga mahihirap na estudyante na sasabak sa online at blended learning sa gitna ng COVID-19 pandemic. “Tiyak kong matutuwa si FPJ para sa tulong na ito sa mga kabataang lubos na nangangailangan lalo na ngayong tayo’y may kinakaharap na malaking health crisis. Noong siya’y nabubuhay pa, madalas niyang sabihin at ipakita na mas malapit sa puso niya ang mga mahihirap nating kababayan,” saad ng senadora.

Ang mga tablet na ipinamahagi ni Senador Poe ay makakatulong para sa bagong paraan ng pag-aaral dahil nga wala na munang face-to-face classes upang makaiwas sa COVID-19 ang mga bata. “Sa pagharap natin sa pandemyang ito, mas mahalagang itulak tayo ng krisis tungo sa innovation at inclusion at hindi para palalain ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao lalo na sa larangan ng edukasyon,” aniya pa.

Samantala, hanggang ngayon masasabing wala pang puwedeng sumunod sa yapak ni Da King.

May humula noon na si Coco Martin pero hindi ‘yun na-sustain ni Coco dahil nga nagkaroon siya ng iba’t ibang issue.

Hanggang ngayon ay wala pang paramdam si Coco since mag-deactivate siya ng Instagram account.

vuukle comment

FPJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with