^

PSN Showbiz

Birthday celebration ni Mother Lily, star studded!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Birthday celebration ni Mother Lily, star studded!
Mother Lily

Judy Ann lalabas na rin sa TV5

Star studded ang new normal birthday celebration ni Mother Lily Monteverde via Zoom kahapon.

Nag-start ang celebration ng 1:00 p.m. until 5:00 p.m.

At nag-piano pa si Mother na nami-miss na rin niyang gawin na may mga kaibigang audience.

Stress reliever nga ni Mother Lily ang pagpa-piano kaya naman kahit virtual lang ang party for her birthday, nagparinig siya ng Concerto no. 2.

Kaya naman nag-enjoy ang mga bisita sa nasabing party ng tinuturing na nag-iisang ina ng Philippine showbiz.

Kasama sa mga naunang naki-party si Judy Ann Santos. Puring-puri ni Mother si Juday dahil nga ang ganda samantalang hindi siya nagpa-salon.

‘Yun pala kakatapos lang ng interview ni Judy Ann para sa show ni Ms. Luchi Cruz-Valdes na Usapang Real Life. So confirmed nga mapapanood siya sa TV5 pero bilang guest lang ni Ms. Luchi.

Kinarga pa ni Judy Ann ang anak na bunso na si Luna at bumati kay Mother ng happy birthday.

Isa rin sa mga naunang naki-party sa Regal matriarch si Ms. Annette Gozon-Valdes.

Kinumpirma ni Ms. Annette na naghahanda na sana ang GMA 7 na mag-taping uli ng mga teleserye nila pero biglang ibinalik ang Metro Manila sa MECQ na natapos lang the other day kaya naudlot.

Pero may naka-line up na raw silang taping para sa gagawin nilang weekly series dahil mahirap ang mas matagal na taping.

Balitang si Alden Richards ang unang bibida sa first episode nito though walang nabanggit si Ms. Anette kahapon.

Inalala naman ng mag-asawang Gary Valenciano and Angeli Pangilinan na galing kay Mother Lily ang pang-down payment sa unang bahay nila. At ang mag-inang Mother Lily and Roselle Monteverde ang producer ng mga international concert ni Gary V noon.

Si Lovi Poe ay nagkaproblema sa audio kaya nag-message na lang siya kay Jun Lalin na naging host ng virtual party ni Mother na hindi talaga lumalabas ng bahay pero nag-e-enjoy.

Andun din sina Ricky Davao, Joem Bascon, Ritz Azul, Jane Oineza, RK Bagatsing among others.

Ang saya dahil kahit paano ay nagkaroon ng celebration si Mother sa kabila ng pandemic na ito.

May mga pelikulang nakatakdang gawin ang Regal Entertainment pag puwede na at ayon kay Ms. Roselle handa na ang strict guidelines / health protocols na ipatutupad nila.

Happy birthday, Mother Lily.

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with