^

PSN Showbiz

Angeline may bagong negosyo, magsasalita tungkol sa dyowa

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Angeline may bagong negosyo, magsasalita tungkol sa dyowa
Angeline

Sa kabila ng pandemic, may bagong business si Angeline Quinto.

Ang AQ Wings of Love.

So far, for delivery pa lang at wala pang dine-in na officially ay magkakaroon ng launching sa Septermber 2.

May mga business partners ang Teleserye Theme Song Queen sa nasabing negosyo.

Open sila ng franchise. Pero ang mission lang nila ay makatulong sa mga pamilyang nawalan talaga dahil sa COVID pandemic.

Kaya hindi masyadong expensive ang budget para magkaroon ng AQ Wings of Love.

Bukod sa bagong business, may bagong love rin siya pero ayaw pa magbigay ng details ng singer. May post siyang kasama ang nasabing guy sa pool pero ayaw pa niyang aminin kung sino ba ‘yun nang maka-chika namin siya via Zoom the other night.

Pero may big reveal siya sa kanyang YouTube channel tungkol dito, sa Padalove na nasa second season na. Kahapon ang first episode niya para sa second season ng kanyang digital show. Naging guest niya si Maja Salvador.

Inulit din Angeline sa nasabing chikahan na hindi talaga siya nagpa-retoke ng ilong. “Sa totoo lang po talaga kasi, hanggang ngayon issue pa rin sa ibang tao ‘yung pagpapa-enhance even ‘yung pagpapaputi. Ako pinost ko po ‘yun para lang ma-clear din ‘yung sa ilong ko na hindi talaga siya gawa. Alam po ‘yan ni Dr. Belo. Nagugulat nga po sila pag may pupunta sa kanilang clinic tapos sasabihin gusto nilang magpagawa ng ilong katulad sa ilong ko. Hindi po talaga,” kuwento pa niya sa pagiging proud sa mga pinagawa sa kanyang katawan.

Samantala, ngayong panahon din lang siya nakapag-stay ng matagal sa bahay.

“Ito ang pinakamatagal kong nasa bahay lang sa nine years ko sa business. Ngayon nakikita ko na kung ano ang mga kailangang ayusin. So talagang bumabawi ako lalo na kay Mama Bob.”

Si Mama Bob ang nakasama ni Angeline since sumali-sali siya sa mga singing contest hanggang manalo na siya sa Star Power.

Ngayon ay nagpapasalamat siya sa mga na-achieve niya na dati ay pinapangarap niya lang.

“Hindi ko naman winish na maging artista noon. Akala ko ‘yung kakanta lang ako sa mga hotel,” sabi pa niya.

Na-realize niya rin tulad ng karamihan na walang silbi ang mga branded na bag and shoes sa kasalukuyan na matindi pa rin ang health crisis at wala pang nakakapag-trabaho ng normal.

Nagsisisi nga raw siyang nakabili siya ng bagong van bago nag-pandemic na hinuhulugan niya pa hanggang ngayon.

Sana raw naitulong na lang niya ang pinang-down payment niya sa nasabing sasakyan.

Anyway, trending nga lagi ang digital show ng Teleserye Themesong Queen na Padalove na first of its kind na digital show sa YouTube kung saan puwedeng magpadala ng letter ang viewers para manghingi ng advice kay Angeline at surprise Advicheers.

Via Zoom ang digital show kung saan nagsi-share rin si Angge ng life-lessons and advice sa letter senders. Kasama sa mga naging Advicheers na sina Alex Gonzaga, Jennylyn Mercado, Luis Manzano, Ogie Diaz, Regine Velasquez, Pokwang at marami pang iba.

Mapapanood ito sa YT account ng singer na may more than 400,000 subscribers at kasama sa mga naka-line up na Advicheers for Season 2 sina Kim Chiu, KaladKaren, Empress Shuck, Jessy Mendiola and many more surprise celebrities.

Catch Padalove : Season 2 na original series produced by KreativDen for AQry Productions.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with