^

PSN Showbiz

Aktres noon pa ayaw sa maingay

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nanghihinayang sa isang pamosong female personality na mas piniling mamuhay na lang nang tahimik sa isang malayong probinsiya kasama ang kanyang karelasyon.

Sinayang daw ng babaeng personalidad ang kanyang kagandahan, pati ang maayos niya namang karera, hindi niya pinakikinabangan.

Pero ang mga nakakakilala sa female personality ay masaya para sa kanya, bata pa lang pala siya ay ‘yun na ang kanyang pangarap, ang mamuhay nang malayo sa kinagisnan niyang buhay.

Kuwento ng isang source na masaya para sa natagpuang buhay ng female personality, “Bata pa lang siya, e, ‘yan na ang pangarap niya. Mahilig siyang mag-drawing, maganda ang mga kamay niya.

“Kapag nakikita namin ang mga drawing niya, e, puro dagat. Puro kabukiran. Puro forest. Kapag tinatanong namin siya kung bakit, ang isinasagot niya, e, ‘yun daw ang buhay na gusto niya kapag lumaki na siya.

“Gusto niya ng tahimik na buhay, palibhasa, e, parehong artista ang parents niya, ‘di ba? Nagtaka nga kami nu’ng maging artista na siya, e, dahil sa pagkakaalam namin, ayaw niya sa showbiz dahil magulo raw.

“Ang gusto niya, e, tumira siya sa malayong probinsiya, ‘yung tahimik, ‘yun ang matagal na niyang pangarap,” unang kuwento ng aming source.

Natupad ang pangarap ng female personality, naninirahan siya ngayon sa isang lugar na malayo sa ingay ng lunsod, nagagawa niya ang kanyang gusto na walang nakikialam sa kanya.

Patuloy ng aming impormante, “Nandu’n ang happiness niya, kani-kanya lang naman ang gusto natin sa buhay, di ba? Maligaya siya ngayon kasama ang karelasyon niya at ang anak nila.

“Sabi ng isang kaibigan naming dumalaw sa girl, e, wala na raw siyang hahanapin pa sa klase ng buhay na meron siya ngayon. Tahimik, walang intriga, nagagawa niya ang gusto niya.

“Busy siya sa paghahalaman. Ang gaganda raw ng mga pananim niya. At mas gumanda pa raw ang girl ngayon, siya ang pinakamagandang babae sa lugar nila!

“Tanggap na ng mommy niya ang mas pinili niyang buhay, kung saan naman siya maligaya, e, walang problema sa mommy niya. Nakapanghihinayang lang ang career na nasimulan niya, pero kung iba naman ang source ng success para sa kanya, e, wala na tayong magagawa,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Willie tinaob ang mga pulitiko

Tanong ng mga nakakausap namin, gaano raw ba kayaman si Willie Revillame, magkano na raw ba ang kabuuang halaga ng kayamanan ng aktor-TV host?

Nag-ugat ang tanong sa pagbibigay ni Willie ng limang milyong piso para sa mga jeepney driver na napilitan nang mamalimos para maitawid ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Komento ng isang kaibigan namin, “Kahit nga mga pulitiko, e, hindi nagkaisip na ayudahan ang mga jeepney dri­vers na nilunok na ang lahat-lahat para lang sila mabuhay!

“Mag-asawang sampal sa mukha nila ang ginawa ni Willie! Wala siyang posisyon sa gobyerno, wala siyang pananagutan sa mga kababayan natin, pero siya pa ang nagkaroon ng malasakit na tulungan ang mga kawawang jeepney drivers!” sabi nito.

Nu’ng una pa lang na matunghayan ni Willie sa 24 Oras ang panayam sa mga jeepney drivers na dahil hindi makapamasada ay napilitan nang mamalimos sa kalye ay hindi na siya mapakali.

Pinag-isipan na niyang mabuti kung paano siya makatutulong, ramdam niya ang pinagdaraanan ng mga nawalan ng trabaho, paano na nga naman ang kanilang mga pamilya?

Limang milyong piso ang una niyang ibinigay para mapaghati-hatian ng mga jeepney driver, halagang napakahalaga ngayong panahon ng pan­demya, pero bukal sa pusong pinakawalan ni Willie.

Isandaang libong piso namang ayuda ang ibinahagi niya sa mga pamilya ng mga nasawi nating kababayan sa Lebanon, masakit sa loob niyang nakikita ang pagsusumamo ng mga ito para sa mga makatutulong.

Kundi dakila ay hindi na namin alam kung paano ilalarawan ang pusong meron si Willie Revillame. Pusong hindi na kailangan pang katukin para lang magbukas.

Sabi nga ni SOS na sumasaludo kay Willie, “Grabe po talaga ang compassion ni WIllie sa mga nangangailangan. Ganyan ang tunay na may malasakit at pag-ibig sa Diyos.

“Hero rin pong maituturing si Kuya Wil sa mga panahong ito. Hindi po lahat, e, may pusong mahabagin at mapagmahal na tulad ng sa kanya,” positibong komento ni SOS patungkol kay Willie.

Naaalala namin palagi ang madalas sabihin ni Willie, “Lahat ng meron ako ngayon, e, hindi ko naman madadala kapag nawala ako. Hubad tayong ipinanganak, hubad din tayong aalis.”

Totoong-totoo.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with