^

PSN Showbiz

Chairperson Liza Diño, humingi ng tawad

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Chairperson Liza Diño, humingi ng tawad
Liza Diño

Medyo kumalma na yata si FDCP Chairperson Liza Diño, nag-apologize kung mayroon man daw siyang natapakan sa kanyang mga aksiyon, pero idiniin niyang ang iniisip lang niya ang kapakanan ng mga manggagawa at ang kabuuan ng industriya.

Iyan ay matapos na magsalita si Senate President Tito Sotto at pinaalalahanan siya na medyo magpigil at “don’t over step” sa kanilang mandato.

Idiniin ni Sotto na isa sa mga gumawa ng batas na lumikha ng FDCP na iyon ay walang “regulatory powers.”

Hindi lang ang industriya ng pelikula ang pumalag. Nanawagan na rin si Atty. Rafael Calinisan sa isang TV interview para imbestigahan ng presidente ang sinasabing “panghihimasok ng FDCP sa ibang industriya.” Sinakop din kasi nila ang audio visual, ibig sabihin pati ang gumagawa ng mga advertising materials sa kanilang gustong ipatupad na guidelines. Si Calinisan ang spokesperson ng Association of Accredited Advertising Agencies. Isa pang example ng “over stepping” sabi nila.

Pero mabuti naman at mukhang sa wakas ay na-realize din ni Diño na may pagkakamali nga sila sa kanilang ahensiya. Maaaring hindi lang nila naunawaan nang husto kung ano lamang ang maaari nilang gawin sa ilalim ng kanilang mandato.

Pero mainit pa rin siya sa ginawang pagsipa sa kanya ni MMDA Chairman Danny Lim sa execom ng Metro Manila Film Festival dahil gusto niyang agawin ang MMFF. Sinabi niyang noon pa iyong 2017, at tumahimik naman sila nang tumutol ang execom na isailalim ang MMFF sa FDCP.

Pero maliwan din naman ang sinabi ni Chairman Danny Lim, na simula noon hinihintay na nila ang kanyang “courtesy resignation” mula sa execom ng MMFF, “out of delicadeza.”

Eh hindi siya nagre-resign, kaya nga tinerminate na ng MMDA Chairman ang kanyang appointment sa execom.

Sana nga magkausap-usap at maayos ang lahat, pero “walang over stepping.”

Jennylyn kinumpara ang sarili sa ostrich

Naging relief ang lumabas na balita tungkol sa isang ostrich na nakakawala sa isang private subdivision sa Quezon City. Wala namang nasira o nasaktan sa nangyari, nahuli naman ang dambuhalang ibon at ngayon nga raw ay dinala sa Department of Environment and Natural Resources, habang hinihintay ang mga papeles na magpapatunay na may permiso ang may-ari na mag-alaga ng ganoong hayop.

Malaking relief iyon lalo na sa mga nababagot na sa mga balita tungkol sa quarantine at COVID.

“Parang ako lang siya basta dumarating na ang bills,” pagbibiro ni Jennylyn Mercado sa tumatakas na ibon.

Yorme Isko, naisahan sa rapid test kits

Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Yorme Isko Moreno. Nagsikap siyang makapagbigay ng libreng rapid test para sa lahat, sa hangad na makatulong. Noon namang marami na silang natulungan, at sa totoo lang ay gastos iyon ng lungsod, at saka sinabing wala palang kuwenta ang rapid test para sa COVID at hindi na nga dapat na gamitin iyon.

Kung ganoon naman pala at matagal na nilang alam na walang kuwentaang rapid test na iyan, bakit hinayaan pa nila si Yorme Isko na gumastos at magsagawa ng isang malawakang proyekto ng rapid testing?

vuukle comment

LIZA DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with