^

PSN Showbiz

‘Nakakatakot nang lumabas’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Nakakatakot nang lumabas�
DPWH Sec. Mark Villar

Naku talagang natakot ako at parang ayoko na talagang lumabas nang mabalitaan ko na nag-positive si DPWH Sec. Mark Villar sa COVID-19.

Imagine mo na halos araw-araw kasi nasa labas sila ni Anna Mae Lamentillo dahil sa rami ng trabaho ng Department of Public Works and Highways.

To think na si Usec. Emmy Aglipay Villar na misis ni Sec. Mark ay medyo at high risk dahil sa Lupus at mayroon silang batang anak na si EM, sure ako na very anxious si Sec. Mark.

Talagang wala nang sinisino si coronavirus, lahat gusto na niyang takutin, kaya naman talagang alert ang lahat ngayon.

Si Mayor Joy Belmonte tinamaan din. Mukha ngang delikado ang crowd, totoo nga na dapat talagang ingatan ang contact sa maraming tao, talagang safe ka lang sa loob ng bahay mo.

Please take this seriously, mga top official na ang nagkakaproblema.

Get well soonest Sec. Mark Villar and Mayor Joy Belmonte. We need you.

P150k ni Gretchen mas kailangan ngayong pandemic

Biglang pumasok sa isip ko si Gretchen Barretto ngayong panahong ito.

Naisip ko bigla ‘yung P150K na gusto niyang ipamigay noon na tulong sa reporters. Sana ibigay niya uli at ipagkatiwala kay Bettina Aspillaga para maibigay sa showbiz writers na affected ng pandemic.

Knowing Bettina, makakarating ang pera na ito sa kinauukulan, sa mga tao na gusto niyang bigyan o tulungan. Tutal naman sinabi na isinauli na ang natira sa P150K kay Atong Ang, baka naman gusto ni Gretchen na ipabigay kay Bettina pati na ang mga bigas na ipinamimigay niya noon.

Gretchen, now is the time, kung gusto mong mabigyan ang showbiz friends mo, call mo now na si Bettina, bigyan ng listahan, at distribute na ang lucky money from Atong Ang. ‘Di ba bongga, pandemic money, at sure ako, hindi na iyan mawawala, dahil ibibigay na ni Bettina, or else investigate ko uli, where, when, what at who heh heh heh.

vuukle comment

MARK VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with