^

PSN Showbiz

Kilalang personalidad muntik mawalan ng oxygen sa ex

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

“I cannot breathe!” ‘Yun ang madalas na reklamo ng isang kilalang lalaking personalidad na sikat sa kanyang linya nu’ng nagsasama pa sila ng kanyang dating karelasyon.

Ibig sabihi’y sakal na sakal siya, hindi siya makahinga, dahil palaging nakamata sa kanya ang female personality na nakarelasyon niya.

Natatawang kuwento ng isang source, “Kasi naman ang girl, palaging nakabantay sa kanya. Parang palagi siyang aagawan ng karelasyon! Kulang na lang na ibulsa pa niya ang guy para hindi mawala sa paningin niya!

“Pareho silang busy sa mga career nila, pareho silang sikat sa linyang meron silang dalawa, pero mas busy ang girl sa pagbabantay sa kanya!” unang kuwento ng aming impormante.

Matindi nga ang pinagdaanan ng male personality dahil pati sa mga kaibigan niya ay nakikialam ang girl.

Patuloy ng aming source, “Nagri-research ang girl! Alam niya pati ang personal na buhay ng mga kasamahan sa trabaho ng partner niya!

“Sasabihin niya sa guy, ‘I don’t like chuchu, he’s not nice. Salbahe siya sa family niya. I don’t like you to befriend that guy!’

“Minsan naman, e, sasabihin ng girl, ‘Womanizer ang kasamahan mong ‘yun, ayokong sumasama ka sa kanya, he’s not a good influence to you!’

“Lahat na lang ng kaibigan ng guy, e, nire-research ng girl ang personal life, kaya paano na? Sino na lang ang kakaibiganin ng guy kung lahat na lang, e, pinipintasan ng partner niya?

“May pupuntahan siyang party, birthday ng friend niya, bago niya mapapayag ang girl sa pag-attend niya, e, dadaan muna sila sa grabeng argumento!

“Tinatanong kasi siya ng partner niya kung sinu-sino ang nandu’n sa party. Kapag may binanggit na name ang guy na ayaw ng girl, e, kung anu-ano na ang sasabihin sa kanya!

“Ang nakakaloka pa, para wala na lang silang away, e, hindi na lang pumupunta ang guy sa party. Napagbibintangan tuloy siyang suplado, kasi nga, bilang na bilang ang puwede niyang puntahang okasyon!

“Kung ano lang ang gusto ng partner niya! Tama ang kanyang reklamo, hindi nga siya makahinga, kaya para hindi siya maubusan ng oxygen, e, nakipaghiwalay na lang siya sa girl!” humahalakhak na pagtatapos ng

aming impormante.

Ubos!

Jinkee tuloy ang pagdi-display ng mga kayamanan sa gitna ng pandemya

Ewan kung anong lalim ng pamba-bash ang kailangang gawin kay Jinkee Pacquiao para magising at mauntog siya sa katotohanan na hindi napapanahon ang paglalabas niya ng mga kagamitan niyang nagkakahalaga nang milyon.

Pagkatapos niyang ilantad sa kanyang IG account ang mga branded na bisikletang binili pa niya sa Paris ay heto na naman ang misis ni Senador Manny Pacquiao.

Ang pinakahuli niya namang ipinagyabang sa kanyang IG stories ay ang multi-colored Daytona Rolex watch na suot niya habang nasa bahay lang siya.

P16.3 M ang halaga ng relo, kaya komento ng mga nakakita ay ilang barangay na ang maaayudahan ngayong panahon ng pandemya sa halaga ng ipinagmamalaki niyang relo.

Ewan kung bakit walang nagpapayo kay Jinkee na hindi ito panahon para ilabas niya sa social media ang multi-milyon niyang kagamitan.

Sugatan ang bayan ngayon, daang libo ang nawalan ng trabaho, nagsasarado na ang mga negosyo dahil sa matinding epekto ng COVID-19 na tumataas pa nga ang bilang ngayon.

Hindi man lang kaya siya kinakausap ni Senador Manny para huwag niyang ginagawa ang ganyan ngayon dahil hindi maganda sa panlasa na habang nagdarahop ang marami nating kababayan ay saka niya naman ipinagpaparangalan ang mga kagamitan niyang milyones ang halaga?

Nandu’n na tayo, bilyonaryo sila, perang pinaghirapan ng mister niyang kampeong boksingero ang ipinambili niya ng mga luho niya pero sana naman ay ilagay niya sa wastong panahon ang pagpo-post ng kanyang kayamanan.

Pati ang mga punda ng kanilang unan na branded din ay naka-post sa kanyang IG stories, ang kanilang mga kumot, ang kanyang mga sapatos, kulang na lang na pati ang branded niyang bra at panty ay ipagbuyangyangan na rin niya para malaman ng publiko kung gaano siya kayaman at kasosyal.

Sensitibo ang panahon ngayon, kung paanong masyado ring sensitibo ang ating mga kababayan, dahil sa sobrang kahirapan ng buhay.

Anumang pagkilos na wala sa tamang tayming ay hindi pinapalakpakan ng publiko. Hindi inggit ang kanilang nararamdaman, kundi pagkainis, dahil may mga tao nga namang walang pakiramdam sa masaklap na pinagdadaanan ng buong bansa ngayon.

Ano nga ang sabi ng isang nagkomento? “You can buy the most expensive things the world can offer, but you cannot buy class.”

vuukle comment

UBOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with