^

PSN Showbiz

Aktor, parang papatayin lagi ang pakiramdam sa piling ng ex

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Naulinigan ng isang source ang minsang pagkukuwentuhan ng dalawang lalaking personalidad. Magkaibigan sila, walang itinatago sa isa’t isa, lantad ang mga baraha nila sa mesa.

Pero may naganap pala sa buhay ni Male Personality A na hindi alam ni Male Personality B huli na nang malaman niya ang pinagdaanan ng kanyang kaibigan.

Male Personality B: Wala nang chance na mabuo pa uli ang relasyon n’yo ni ____(pangalan ng nakahiwalay na misis ni Male Personality B), hano?

Male Personality A: Pare, walang-wala na. Nakalabas na ako sa lungga, ayoko nang balikan pa ang mga pinagdaanan ko. Nakakatakot ang babaeng ‘yun!

Hindi ako makatulog nang mahimbing, palagi akong half-awake. Natatakot ako dahil baka bigla na lang niya akong pagsasaksakin!

Matindi ang kapraningan ng babaeng ‘yun, hindi mo alam kung ano ang pinaplano niyang gawin! Kinatatakutan ko nu’n ang bawat gabi. Hindi talaga ako napagkakatulog!

Male Personality B: Sa laki mong ‘yan, natatakot ka, e, kayang-kaya mo namang depensahan ang sarili mo?

Male Personality A: Pare, nasasabi mo lang ‘yan dahil hindi mo siya kilala! Hindi mo alam ang takbo ng utak niya! Ibang klase ang babaeng ‘yun!

Takot na takot ako nu’n sa dilim! Masaya ako kapag hanggang umaga ang trabaho ko. Mas safe ako kesa nasa bahay lang ako at kasama ko siya!

Male Personality B: Matindi pala ang pinagdadaanan mo? Siguradong pati ikaw, e, parang napapraning na rin nu’ng magkasama pa kayo!

Male Personality A: Mahirap na! Baka kasi lagyan niya ng lason ang pagkain ko!

So, para makasigurado ako, kung ano ang kinakain niya, e, ‘yun lang din ang kinakain ko! Kung ano ang kunin niya sa communal plate, du’n din ako sumasandok!

Ganu’n na ako kapraning nu’n! Buti na lang, napagdaanan ko na ‘yun. Ngayon, puwede na akong matulog nang mahimbing nang mag­hapon at magdamag dahil alam kong safe na ako sa kasama ko!

Wala na akong dapat katakutan, tapos na ang kapraningan ko, ayokong-ayoko nang balikan pa ang mala-horror na buhay ko nu’n! Malaki ang sapak ng babaeng ‘yun!”

Ubos!

Take It... maraming baong chika

Makakasalo n’yo na uli kami ngayong pananghalian sa Take It, Per Minute… Me Gano’n. Wala nang urungan ito, tuloy na uli ang ating chikahan at halakhakan kasama kaming tatlo nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu, promise!

Grabe ang nangyari nu’ng nakaraang Martes, mula umaga hanggang hapon ay sumasagot kami sa mga tawag at text, maraming salamat sa pakiramdam na bahagi na talaga ng buhay ng ating mga kababayan ngayon ang TIPMMG.

Marami na naman kaming baon na paksang oopinyunan. Ang pagiging sentimental at sensitibo ngayon ni Sharon Cuneta. Tama ba o mali ang ginagawa niyang pagsasapubliko ng kanyang mga ari-arian sa panahong naghihirap ang buong bayan dahil sa pandemya?

At sariwa pa ang isyu tungkol kay Jinkee Pacquiao na pati ang bisikletang binili niya ay branded pa, Hermes ‘yun na galing sa Paris, mas masahol pa raw kay Mega si Jinkee.

Inis na inis ang mga bashers, hindi kasi sila makapagkomento sa ipinost ni Mrs. Pacquiao, sarado kasi ang kanyang comment section.

Kung bukas lang ‘yun ay siguradong kumakain na naman ng ampalaya at lumulunok ng apdo ang misis ng senador-boksingero dahil sa bisikletang branded na ipinagmamalaki niya.

Siguradong babantayan din ng aming mga tagasuporta kung bakit hindi matutuloy ang pagbabalik-TV ni Kris Aquino sa TV5 kahit pa ‘yun na ang lumulutang na press release ngayon.

Ano ang nangyari? Bakit hindi nakapasok sa TV5 ang Lovelife With Kris na kinasasabikan nang mapanood ngayon ng kanyang mga tagasuporta? Saan na eere ngayon ang kanyang show?

Tinulungan siyang makapasok nu’n sa GMA 7 ni Willie Revillame, pero hindi rin ‘yun nagkaroon ng positibong resulta, nasaan ba talaga ang problema?

At sinu-sino ba ang mga kontratadong artista ng ABS-CBN na lilipat na sa GMA-7 at TV5? May mga palihim na raw na pag-uusap, kaya huwag na tayong magugulat kapag nakalundag na ng bakod ang mga artista ng Dos, sinu-sino sila?

Kaabang-abang nga ang Take It, Per Minute… Me Gano’n ngayong tanghali, kaya tutok na sa Pilipino Star NGAYON FB page, kitakits!

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with