^

PSN Showbiz

Jake sumubok sa Jazz, aminadong ibang-iba na ang boses

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jake sumubok sa Jazz, aminadong ibang-iba na ang boses
Jake Zyrus

Naging busy din si Jake Zyrus sa video games habang naka-lockdown.

Ang partner lang ang kasama ng international singer sa nagaganap na community quarantine kaya wala siyang naging reklamo kahit matagal na hindi sila puwedeng lumabas ng bahay.

Besides, hilig raw niya talagang mag-stay sa bahay.

Anyway, handog ni Jake ang mensahe ng pagmamahal sa pagdiriwang ng Pride Month sa pamamagitan ng kanyang latest single na Love Even If mula sa Star Music.  

  “Sa lahat ng mga negatibong kaganapan, ang pag-ibig ang pwede nating maging kontribusyon. Huwag tayong magsawang magmahal kahit pa maging masakit ito o mahirap gawin,” pahayag ni Jake sa isang digital presscon via Zoom. 

Ang awiting Love Even If, na bahagi ng Bahaghari playlist ng Spotify, ay isinulat niya kasama sina Trisha Denise at ang ABS-CBN creative director na si Jonathan Manalo. Isa ito sa mga kantang nakapaloob sa Evolution album na inilunsad noong 2019. 

Ibinahagi rin ng singer-songwriter na maglalabas siya ng bagong single sa susunod na buwan na may titulong Miss You In The Moonlight.

Kwento ni Jake na nag-experiment siya ng iba’t ibang genre dahil sa naging pagbabago sa kanyang boses at ito aniya ang unang jazz pop music na ilulunsad niya dahil komportable siya sa nabanggit na genre at bumagay ito sa boses niya.

Kinumpara niya ang Miss You In The Moonlight sa isang tao na nahihirapan bumangon mula sa paghihiwalay na siya rin mismo ang nagdulot, at may hatid itong damdamin ng pagsisisi at pag-asa sa pangalawang pagkakataon. Isinulat ni Gab Tagadtad ang bagong awitin na prinodyus din ni Jonathan.

Samantala, isang documentary na base sa buhay ni Jake ang nagwagi sa US International Film and Video Festival ngayong taon.

May titulong Jake and Charice, ginawaran ang video ng Gold Camera award para sa dokumentaryo sa ilalim ng social issues category.

Hatid ng docu ang kwento ng Kapamil­ya singer mula sa pagiging kilala bilang Charice—ang unang Asian artist na nagkaroon ng Billboard top 10 hit—hanggang sa kanyang desisyon na lumantad bilang isang transgender man na kilala na ngayon bilang Jake Zyrus.

Tampok sa video ang mga pinagdaanan niyang hirap pati na rin ang lakas ng loob na ipinamalas niya para mahanap ang sariling boses.

Mula sa produksyon ng NHK (Japan Broadcasting Corporation) at Documentary Japan ang Jake and Charice sa pakikipag-ugnayan sa NHK Enterprises, at kasama rin ang ABS-CBN bilang co-producer. Ipinalabas ito sa Japan noong November 2019. 

Wala pang schedule kung kailan ito mapapanood sa streaming sites sa bansa.

 

vuukle comment

JAKE ZYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with