^

PSN Showbiz

Kapamilya Stars lalapit sa fans

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iba’t ibang kwento ng pag-ibig ang hatid ng Star Magic artists sa Star Magic: Love From Home, kung saan sama-sama ang mga bituin sa paghandog ng mensahe ng inspirasyon na daan upang mas makilala at mapalapit sila sa kanilang fans kahit mula lamang sa kanilang mga tahanan.

Bahagi ng Star Magic: Love From Home ang Lockdown Portraits, isang koleksyon ng mga litrato ng Star Magic artists na kuha sa panahon ng quarantine. Ipapakita dito ang iba’t ibang uri ng pagmamahal—pagmamahal sa sarili, pagmamahal sa sining, pagmamahal sa pamilya, at pagmamahal sa kapwa. Para makita ang koleksyon ng  Lockdown Portraits,  bisitahin lamang ang starmagic.abs-cbn.com.

Tatlong koleksyon ng mga litrato ang aabangan ng fans. Kanilang makikita ang unang koleksyon sa Hunyo 24 habang ang ikalawa naman ay makikita sa Hunyo 28. Ang ilkatlo at espesyal naman na koleksyon ay ilalabas sa Hulyo 5 at tampok dito ang mga Star Magic loveteams.

Mas lalo pang magiging personal ang samahan ng fans at ng kanilang mga iniidolo sa iba’t ibang fan sessions na gaganapin kada linggo sa telebisyon at online na magbibigay pagkakataon sa mga tagahanga na makausap at makipagkulitan sa kanilang paboritong bituin. Kasama dito ang  Jeepney TV Love Team Bahay (Hulyo 4, 8 PM) Cinema One GCQ: Games with Celebrities on Quarantine, (Hulyo 18, 5 PM), at  Hotspot: The Love from Home with DJ Jhai Ho (Hulyo 25, 8 PM) na mapapanood sa Facebook.  

Magkakaroon din ng one-hour TV special sa Metro Channel na magbibigay ng eksklusibong pasilip sa buhay ng Kapamilya artists sa panahon ng quarantine.

Layunin din ng Star Magic: Love From Home na makalikom ng halaga para sa  Pantawid ng Pag-ibig  (Isang Daan. Isang Pamil­ya). Hinihikayat nito ang mga Pilipino na mag-donate ng kahit P100 para tulungang maibsan ang gutom ng isang pamilya sa panahon ng quarantine. Hangarin ng kampanyang pinangungunahan ng ABS-CBN Foundation, na nasa sa ikalawang yugto na, na makuha ang suporta ng 10 milyong Pilipino para tulungan ang 300,000 pang mga pamilya, na dagdag sa 750,000 pamil­yang natulungan na simula noong Marso.

vuukle comment

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with