^

PSN Showbiz

Kim, mabilis nakabangon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kim, mabilis nakabangon
Kim

Hanga talaga ako kay Kim Chiu ha. Talagang open din ang puso niya sa pagtulong. ‘Yung naisipan niyang puntahan ang mga driver at bigyan ng ayuda, ang galing ‘di bah! Kaya nga kahit mayroong kaunti na hindi nagugustuhan ang ginawa niya, natatakpan naman iyon ng marami niyang good deeds.

Si Kim, feel na feel mo ang pagiging sincere sa pagtulong, ‘yung malambot talaga ang puso. Kaya hindi kataka-taka na madaling makaba­ngon kung may nagawa man na maliit na pagkakamali. Go go Kim Chiu. 

Mga artista nawalan ng bargaining power

Ang price cut na hiniling ng ABS-CBN, posibleng hilingin din ng GMA 7 at ng movie producers. Hindi mo puwedeng sabihin na binigyan mo ng discount ang ABS-CBN kasi may problema ngayon, dahil tiyak ang isasagot nila sa iyo ay hihintayin n’yo bang magkaproblema kami bago kayo magbigay ng discount sa amin?

At huwag na tayong mag-ilusyon, wala na ngayong bargaining power ang mga artista, dahil nga nasa sad state ang showbiz. Affected ang box office returns ng mga pelikula, dahil sa limited seats ng mga sinehan, nag-declare ang mga advertising company na per program na bibili ng commercial, hindi na by block na gaya ng dati, naranasan na rin ng mga TV station na malakas ang appeal ang mga replay at pinapanood pa rin, so who can stop them to show all the replay for a year? What the talents need is job and work, so kung ito ngayon ang standard, can you go against the flow?

Pumayag ang mga manager sa hiling ng ABS-CBN na price cut, so imposibleng hindi ka pumayag kung hilingin iyan ng GMA 7, Viva, Regal at Star Cinema.

Tanggapin na natin ang real situation, wala na ngayon puwedeng magmalaki, dahil masikip ang mundo, hindi open field ngayon ang trabaho, kulang na kulang.

vuukle comment

KIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with