^

PSN Showbiz

Showbiz personality inaabangan kung pasasabugin din ang nakaraan nila ng isang sikat

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nag-aalalang tumawag sa aming source ang isang kilalang personalidad sa showbiz, ninenerbiyos na raw kaya ang isang pamosong male personality, dahil mukhang mahahagip siya sa pagbabalik sa nakaraan ng isang emosyonal na personalidad?

Binabalot nang matinding kalungkutan ang naturang personalidad, matindi ang galit niya sa mundo, kung anu-anong paksa ang binubuksan niya ngayon sa social media.

Sabi ng aming source, “Kung ang mga taong nakakaalam ng nakaraan nu’ng sikat na male personality at nu’ng emotional personality ngayon, e, kinakabahan na, paano pa ang male personality?

“Di ba, may karelasyong iba nu’n ang male persona­lity, pero nabuking siya ng karelasyon niya na sila rin pala ng emotional personality?

“Naku, nakakagulat ang mga revelations ngayon ng emotional personality, baka one day, e, ang past nila ng male personality na ang i-post niya!

“Nakakanerbiyos ‘yun! Talagang pagpipistahan ng buong showbiz ‘yun, kapag nakatihang ilantad ng emotional persona­lity!

“Huwag naman sana, dahil isa lang ang siguradong sasabihin ng lahat kapag nagkataon, confirmed!” pagtatapos ng impormante.

Iniisip naman ng iba na meron pa ring komunikasyon ang dalawa hanggang ngayon pagkatapos nang maraming taon. Baka naman may sumpaan sila na anuman ang mangyari, pumutok man ang lahat ng bulkan sa buong mundo, ay walang magsasalita sinuman sa kanila tungkol sa kanilang matamis na nakaraan.

“Naku, harinawa! Sana nga! Dahil kapag nangyari ‘yun, siguradong magigimbal ang loob at labas ng showbiz!” pahabol pa ng source.

Ubos!

Sharon gustong paglaruan ni Ronald

Sa isa sa mga pinakahuling posts ni Sharon Cuneta ay inilabas niya nang buung-buo ang pagsusumamo at panghihingi ng tawad sa kanya ni Ronald Carballo.

Walang caption ang kanyang post, basta inilabas lang niya ang panghihingi ng tawad ng kanyang dating publisista, wala pang ibinibigay na reaksiyon ang Megastar kung tatanggapin niya ‘yun o itutuloy niya ang pagsasampa ng kaso laban sa reporter.

Para sa mga taong sumubaybay sa mga bira at pani­nira ni Ronald ay hindi lang kay Sharon kundi maging sa kanyang mister at mga anak ay hindi katanggap-tanggap ang panghihingi ng tawad ni Ronald.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “Ano ito, isang laro? Na basta ganu’n na lang ang lahat? Pagkatapos niyang tawaging unggoy si Senator Kiko Pangilinan at sabihin niyang certified maniac si KC Concepcion, e, basta ganu’n na lang ‘yun?

“Sharon has a good and forgiving heart, nakapagpapatawad siya ng mga taong nananakit sa kanya, pero siya na ang nagsabi na ibang klaseng sakit ang ibinigay sa kanya ng reporter na ‘yun!” komento ni prop.

Kahit ang mga tagasuporta ng Megastar ay may ganu’n ding pananaw, napakabilis humingi ng tawad ng reporter, dahil ‘yun na lang talaga ang kanyang magagawa ngayon sa banta ni Sharon na bibigyan ito ng leksiyon sa paninira sa pamilya.

Sabi ng isang loyalista ng singer-actress na tumawag sa amin, “That’s the best escape he can do. Napakatapang niya nu’n, pero ngayon, para siyang tupa sa panghi­hingi ng tawad sa taong pinakinabangan niya!”

Amen.

Sharon wagi sa laban...

Sa husgado ng bayan ay walang kaduda-duda na talo si Ronald Carballo sa labang ito. Sa kanyang pagsusumamo ay sinabi niya na minahal niya nang labis pa sa kapatid si Sharon.

Nagbalik-tanaw pa siya sa masaya nilang samahan, ipinost pa niya ang mga larawan nila ni Sharon, meron talaga siyang dapat pahalagahan.

Pero ang mga salitang nabitiwan na ay hindi na maaaring bawiin pa. Mas matalas pa nga sa bagong hasang labaha ang masasakit na salita dahil nanunugat-nananakit ‘yun hindi lang ng katawan kundi ng kalooban.

Naging mapaghiganti si Ronald, hindi niya binigyan ng pagpapahalaga ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni Sharon, kabaligtaran ‘yun ng mga talatang halaw sa Bibliya na madalas niyang i-post sa kanyang Facebook page.

Naging malabiga ang kanyang dila, hindi lang kay Sharon niya ginagawa ang ganu’n, kundi sa marami pang ibang personalidad na kapag nabigo siya sa kanyang hangarin ay binibira niya nang walang kalaban-laban.

At ganu’ng nagmamatapang siya ay nagtatago siya sa anino ng mga blind items, mali ang kanyang ideya na hindi maaaring sampahan ng libelo ang ganu’ng atake, dahil kahit dalawa o tatlong tao lang ang makapagpapatunay kung sino ang kanyang tinutukoy ay wala na siyang kalusut-lusot.

Maaaring may puwang pa sa puso ni Sharon Cuneta ang pagpapatawad, kahit para man lang sa kanilang pinagsamahan, pero siguradong paplakaduhin ng Megastar ang sinabi ng namayapang dating pangulo ng Amerika na si John F. Kennedy.

“We forgive... but we remember names.”

vuukle comment

SHARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with