^

PSN Showbiz

Kuya Kim, nagpasalamat sa tatay

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kuya Kim, nagpasalamat sa tatay
Kuya Kim

Sari-saring papuri ang natanggap ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza mula sa netizens at maging sa anak niyang si Kim Atienza matapos ang matapang niyang pagpuna sa isinasagawang hearing para sa prangkisa ng ABS-CBN.

Tweet ni Kuya Kim para sa kanyang ama, “,” na umani na ng libo-libong likes sa Twitter.

Pinag-usapan nga sa social media ang pagsasalita ni Rep. Atienza sa Kongreso noong Miyerkules (Hunyo 17) matapos niyang sabihing parang nangingisda lang ng pruweba ang mga tutol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

 “After 7 hearings, wala pa po silang napapatunayan. Humihingi sila ng records, meaning they are on a fishing expedition,” aniya.

Ibinahagi niya rin ang obserbasyon ng mga tao na tila paulit-ulit lang daw ang ibinabatong isyu sa ABS-CBN, dahil lahat naman daw ay nasagot na rin ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. “Ang tanong sa akin sa labas, gano’n lang palagi. ‘Kayo ba ay talagang desidido kayong huwag bigyan ng prangkisa?’ Sabi ko, ‘Bakit gano’n ang impression ninyo?’ ‘Eh napapanood po namin.’ ‘Yung paratang ng isa ay paulit-ulit na hindi binabago bagamat nagsasalita na ang awtoridad.”

“Ang hinihingi ko lang, take better control of the proceedings. This is a committee of 305 members of Congress duly elected by the people,” dagdag niya pa.

Sa huli naman hiniling niya na sana tingnan din ang kontribusyon ng network.

Magaganap ang susunod na hearing para sa prangkisa ng ABS-CBN sa Martes (Hunyo 23). Ano naman kayang pag-uusapan? Sana, iba naman.

Going back to Kuya Kim. Ang lakas ni Kuya Kim ha samantalang noon ay dumaan siya sa matinding health crisis. “50 kms in the loop. Cycling is a fantastic sport made more fantastic with good cycling buddies.”

Boys love pumatok, may sariling soundtract na

Uy may sariling soundtrack na rin ang Gameboys, ang  trendsetting BL (Boys Love) series starring Kokoy de Santos and Elijah Canlas, na waging-wagi sa fans across multiple digital platforms worldwide. Over a million combined views on YouTube, number one trending topic on Twitter worldwide at ngayon ay paparating na sila sa Spotify sa pamamagitan ng kanilang soundtrack album.

Created by The IdeaFirst Company, ang Gameboys ay kuwento ng budding love story of two online gamers, Cairo (Canlas) and Gavreel (de Santos). Set during this pandemic when people have to be quarantined at home, pinupuri ng critics and fans si Director Ivan Andrew Payawal sa paggamit nito ng internet and mobile platforms para sa kakaibang love story.

Ito rin ang first Filipino BL series to make a mark across the globe and blazed the trail for a new wave of BL productions from the Philippines.

Nagulat din ang fans na featured sa BL ang new OPM songs composed by the show’s musical director, Emerzon Texon. Isang Laro. It was performed by Singapore-based Pinoy singer Nasser, who himself is a YouTube sensation.

To be released by Curve Entertainment, ang Isang Laro will be available in all digital platforms on June 26, 2020, with Panalo Ka and other songs from the series following.

Boyet mapapanood uli sa Magpakailanman

Muling mapapanood sa Magpakailanman ang nakaaantig na kuwento ng isang mapagmahal na ama, ang Ama Namin: The Jesus ‘Boy’ Parungao Story starring Christopher De Leon. Kahit malaki ang agwat ng edad, mahuhulog ang loob ni Jesus kay Lolita (Rita Avila) at magsisimula sila ng pamilya sa pamamagitan ng pagkupkop sa mga batang lansangan.  Mapapanood ito ngayong Sabado, 8:00 pm sa #MPK. 

 

 

 

vuukle comment

KIM ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with