^

PSN Showbiz

Mga balita, nakaka-depress na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga balita, nakaka-depress na!
Mr. Fu, Lolit Solis and Cristy Fermin
STAR/ File

Tuesday na naman kahapon, Salve, at nagkita-kita na naman tayo nina Mr. Fu at Cristy Fermin.

Sobra na nga na anim lang tayo sa loob ng Obra ni Nanay Gallery at sina Tina at Japs ay sa labas na lang at sa meatshop na ni Cristy naghihintay. Pati ang mga driver ay sa labas na pinapakain nina PJ at Richie kasama nila dahil bawal nga ang marami sa loob na actually ay nagmumukha lang maliit dahil sa dami ng painting sa gallery ni Cristy.

Sana naman ay natutuwa ang nanonood sa atin dahil talagang at this stormy times na halos hindi mo alam ang tatakbuhin ng showbiz, kailangan din ng kaunting laughter at light things.

Halos ayaw ko na ngang manood ng news dahil nade-depress na ako sa dami ng mga kababayan nating para bang nawawalan na ng pag-asa.

Kaya for a change, watch kayo ng Take It… Per Minute, Me Ganun tuwing Martes sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON, 12 hanggang 1 ng hapon at PSN Youtube.

Thank you po.

Adios Lilia Dizon

Namatay na naman ang isa sa icon ng pelikula,  na si Lilia Dizon na asawa ni Gil de Leon na mga magulang nina Christopher, Melissa at Pinky de Leon.

Dati ay sa US nag-i-stay ang mother nila Christopher pero nagbalik ito sa Pilipinas at dito na namatay.

Isa sa pinakamahusay nating artista na kasabayan nina Rosa Rosal, Lolita Rodriguez, at Delia Razon, si Lilia Dizon ay kilalang -kilala sa mga role na maldita noong araw.

Very close naman ang kanyang mga anak sa kanilang ina, kaya natuwa sila nang mag-stay na ito sa bansa.

Nakikiramay kami sa pamilya ng mahusay na aktres, na sabi nga ni Sandy Andolong, ay the sweetest and kindest mother-in-law and grandmother of her kids.

Adios, Ms. Lilia, Rest In Peace.

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with