^

PSN Showbiz

Pamilya Ko… babu na rin kahit walang ending

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pamilya Ko� babu na rin kahit walang ending
Sylvia Sanchez

Todo emote ang followers ng teleseryeng Pamilya Ko na hindi na rin pala mapapanood kahit kailan.

Bakit daw ganun, sana naman ay bigyan sila ng maayos na ending.

Sa Instagram account nga ng programa ay nagpaalam na sila. “Mabungang araw, mga kapamilya! Mahaba-haba na rin ang ating pinagsamahan. Katulad ng isang totoong pamilya, sabay-sabay tayong umiyak, nagalit, nagmahal, at tumawa. Saan man tayo makara­ting, lagi niyong tatandaan na mananatili kayo sa aming mga puso at isipan dahil kapamilya tayo forever. Maraming salamat sa suporta at hanggang sa muli nating pagkikita, mga ka-fruit salad! #PamilyaKo#RGEDramaUnit.”

Bida sa Pamilya Ko si Sylvia Sanchez na recovered patient ng covid-19. Actually, parang hindi na nagkaroon ng coronavirus si Ms. Sylvia at nakakapag-supermarket na uli sila ng husband niyang si Art Atayde na nagkaroon din ng covid.

“After 3months, nakalabas din. Our 1st date, grocery date. Ang hirap ng new norm pero no choice, kailangan mo talaga proteksiyunan sarili mo and thank you @missrheatan for our #beau­tederm mask and shield? stay safe everyone,” ang last post ni Ms. Sylvia.

Kabilang nga ang Make It With You at Pamilya Ko ang mga programa ng ABS-CBN na hindi na uli babalik sa ere dahil sa coronavirus pandemic at sa ABS-CBN closure dahil sa problema ng franchise ng network.

Pero nagbabalik ang ilan nilang programa sa bagong Kapamilya Network at nauna na ngang napanood ang It’s Showtime at kahapon ay ang ASAP.

vuukle comment

PAMILYA KO

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with