^

PSN Showbiz

ASAP naging concert venue, Sarah nag-trend agad

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
ASAP naging concert venue, Sarah nag-trend agad
Sarah

Ibang-iba ang ASAP Natin ‘To kahapon.

Concert na ang concept.

Wala na ang mga tawanan at ang mga nagtitiliang host at lalo wala na ang nagsisiksikang audience.

Iilan na lang din sila at bawat isa ay nag-mini concert with four songs each from Sarah Geronimo, Piolo Pascual, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Gary Valenciano and Regine Velasquez.

At kung meron mang commercial gap, in house commercial ang palabas. May isang nakakasingit. Pero majority talaga ay in house commercial.

Pinairal din nila ang strict social distancing at sa opening and en­ding lang ng show sila nagkaroon ng sama-samang kumanta.

Anyway, at dahil na-miss ng fans ang ASAP, mabilis nag-trending si Sarah.

“Na-miss ko po kayo. Na-miss ko po ito. Every time po na ako ay nakakapag-perform sa stage na tulad nito sa ASAP, I always feel grateful and thankful kasi maliit pa lang ako, ito na po ang gusto kong gawin, ang makapagpasaya ng tao. Maraming, maraming salamat to my ASAP family because I am still here and nagagawa ko pa rin ang aking passion,” sabi ni Sarah nang kantahin ang Duyan.

Si Regine naman ay binigyan ng tribute ang namayapang si Anita Linda.

vuukle comment

ASAP

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with