^

PSN Showbiz

Pops, PPE dress na ang pang-rampa!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Pops, PPE dress na ang pang-rampa!
Pops
STAR/ File

Ay naku, Ateng Salve, marami ang nangungulit sa akin at ang bongga mo raw kasi panay ang announce nina Manay Lolit Solis, Tita Cristy Fermin at Mr. Fu sa live online show ninyo noong Tuesday, ang Take It… Per Minute (May Gano’n) naka-PPE (personal protective equipment) dress ka, kaya gusto nilang makita ang picture mo na nakasuot nga no’n.

Pero sabi ko naman sa mga nangungulit, eklay lang ‘yon ng tatlo dahil hindi ka pa nakaka-order ng PPE dress, huh!

Pero kung may balak ka, aba, tularan mo si Pops Fernandez na may two PPE dresses, huh!

Ginawan nga ng fashion designer na si Avel Bacudio ng PPE dresses ang Concert Queen at inirampa na ‘yon ni Pops nang twice siyang lumabas ng kanyang bahay.

Sey ni Pops sa akin, “Twice na akong lumabas noong nag-GCQ (general community quarantine), pero hindi naman ako naglakwatsa.

“Important lang talaga, kaya ako lumabas ng bahay. Pero around the area lang, around BGC (Bonifacio Global City in Taguig).

“Hindi naman ako lumabas at rumampa. Important talaga kaya ako lumabas at sandali lang ‘yon.  Pero hindi naman ako ‘yung tipong lalabas na palagi dahil GCQ na nga,” sey ni Pops.

O, ayan, Ateng Salve, malinaw, kahit GCQ na nga, hindi naman rumarampa palagi si Pops. Twice pa lang, huh!

Siguro makakalabas lang uli si Pops kapag napadala na sa kanya ni Maxi Cinco ‘yung gagawin naman nitong PPE dress for her. Joke!

Pero sabi nga ni Pipay, may gagawin din daw na PPE dress si Maxi for her kasi the new normal na nga ngayong panahon ng COVID-19 pandemic ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang klase ng PPEs, ‘noh?!

Concert producer ni Martin, mas abala muna sa negosyong restaurant

Ang concert producer/promoter naman na si Anna Puno, aba, abalang-abala sa kanyang Thai restaurant business, ang Doon Thai, huh!

Ang bongga nga dahil maraming mga fan from America ang umo-order ng food sa kanya para ipadala sa kanilang mga idolo.

The other day, pinost nga ni Anna na may fan na um-order ng food sa kanya at ipinadala sa Concert King na si Martin Nievera.

Sa tagal ng pamamayagpag ni Anna sa America bilang concert producer/promoter, may direct contact na siya sa mga bonggang tao doon na sobrang generous at nag-o-order ng food para sa kanilang mga idolo.

Let’s face it, Ateng Salve, medyo matagal pa bago magkaroon ng concerts, kaya sa Doon Thai restaurant muna niya magiging abala si Anna, ‘noh?!

‘Yun na!

vuukle comment

PPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with