^

PSN Showbiz

Mga mahihilig sa kaligayahan, takot pa ring tumikim!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapit sa patalim. Higit kailanman ay sa mga panahong ito talaga laganap ang pagpasok sa kahit anong sitwasyon hindi lang ng mga artista.

Laganap ang kahirapan, ang depresyon, ang pakikipagsuntukan sa buwan kung ano ang kahihinatnan ng kanilang kinabukasan.

Isang kilalang Boogie Wonderland ang hindi magkandaugaga ngayon dahil sa dami ng mga tumatawag sa kanya na nagpapahanap ng trabaho.

Gusto rin siyempreng kumita ng matchmaker, matindi rin ang kanyang pangangailangan, pero mailap sa kanya ang kapalaran.

Kuwento ng aming impormante, “Sa mga panahong ito, e, sino ba naman ang tatanggi sa puwedeng pagkakitaan? Mahirap ang buhay, tatlong buwan na nasa bahay lang tayo, di ba?

“Pero hindi makagalaw ang Boogie Wonderland, ang dami-daming nagpapa-book sa kanya, pero wala naman siyang makuhang client! Takot sa virus ang mga dati niyang nirarasyunan ng karneng buhay!

“Tumatanggi sila, mahirap na raw, baka naligtasan nga nila ang three months na ECQ, pero ngayon pa pala sila magiging delikado!

“Napakaraming tumatawag kay BG (Boogie Wonderland), mga kilalang male personalities sila na gusto mang magtrabaho, e, wala naman silang work, dahil hindi pa nag-uumpisa ang mga taping at shooting nila!” unang pasakalye ng aming source.

Si Male Personality A ay kilala na sa pagsa-sideline. Magaling siyang magtrabaho, hindi siya masyadong buking sa kanyang mga atake, dahil marami siyang kaibigang beki.

Kuwento uli ng aming impormante, “Pero magaling siya, mas gusto niyang magkasama sila ng beki sa ibang bansa. Ayaw niya dito, mabilis kasing gumalaw ang tsismis.

“Sa ibang bansa nga naman, may mga makakita man sa kanya, e, puwede siyang magdahilan na nagbabakasyon lang siya, nagliliwaliw lang, di ba?

“Pero saan ka, all expense paid ang bakasyon niyang ‘yun dahil ang kasama niya, e, ang kakuyangyangan niyang beking madatung!

“Pero wala siyang kinikita ngayon, takot na takot pa ang mga clients niya, baka raw sa kakyondian nila, e, mag-positive sila sa coronavirus!

“Buti na lang at may naiipon pa siya, hindi pa naman siya nagugutom, nagsisiguro lang siya dahil wala siyang ginagawang serye ngayon! Hindi lang dahil sa lockdown, sarado ang kanilang istasyon!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Liza mas mahal sarili kesa sa pera

Hindi na idinaan pa ni Liza Soberano sa kung anu-anong palusot ang dahilan kung bakit hindi na mapapanood ang serye nila ni Enrique Gil.

Meron kasing lumabas na kuwento na kaya raw hindi na ‘yun ibabalik pa ay dahil sa laki ng gastos ng produksiyon dahil sa laki rin ng casting ng serye.

Maraming tagasuporta nila ang malungkot, maganda nga naman ang kanilang serye, pero bakit sila pinabayaan ng kanilang network?

Hindi mahilig sa kung anu-anong mga palabok na salita ang magandang young actress, diretso siya kung diretsong magsalita, siya mismo ang malinaw na nagpaliwanag kung bakit.

Tinanong sila para sa pagpapatuloy ng kanilang serye, magsisimula na dapat sila bukas, June 13. Mahal na mahal ni Liza ang kanyang trabaho, napakapropesyonal ng batang ito, pero mas mahal niya ang kanyang sarili.

Kahit pa nakapailalim na tayo sa GCQ ay hindi naman ‘yun nangangahulugang ligtas na tayo sa mapamuksang COVID-19. Nandito pa rin ang salot, nakahandang sumalakay lalo na sa pagsasama-sama ng marami, ‘yun ang dahilan kung bakit hindi siya pumayag.

Nagpakatotoo lang si Liza, marami pang oportunidad na darating para sa kanya, pero ang kanyang buhay ay iisa lang. Malaki ang posibilidad ng pamemeligro hindi lang ng buhay niya kundi pati ang kanilang mga kasama ni Enrique sa location.

Wala pang nadidiskubreng bakuna para sa coronavirus, pinagsusunugan pa ng kilay ng mga siyentipiko ang lunas sa salot, kapag meron na ay puwede na nga naman nating isugal ang buhay natin dahil may katapat nang gamot.

Parang AIDS lang ‘yun na nu’ng unang ipanganak ay wala pang lunas, hindi sinuwerte sina Freddie Mercury at Rock Hudson, suwerte naman ng mga personalidad na kinapitan nu’ng mga huling taon (Magic Johnson) dahil meron nang bakunang nakapagliligtas.

Kaligtasan ang dahilan ni Liza Soberano, ang pera nga naman ay kinikita pero ang buhay na nawala na ay hindi na maaaring ibalik pa.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with