^

PSN Showbiz

Pokwang pumatol nang tawaging terorista!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pokwang pumatol nang tawaging terorista!
Pokwang

Si Pokwang ang isa sa unang nag-react sa ipinost ng grupong Bangon Bisayas na dalawang klase raw ng mga artista; ang Artistang Makabayan at Artistang Komunista.

Sabi ng grupong ito na ipinost sa kanilang Facebook account nung nakaraang linggo, maituturing daw na Artistang Makabayan sina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Gerald Anderson, at Ronnie Liang.  

Mga Artistang Komunista naman daw sina Coco Martin, Kim Chiu, Angel Locsin, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Angelica Panganiban, Maris Racal at si Pokwang nga.

Sabi pa ng grupong ito sa kanilang FB account; “May dalawang klase ng mga artista ngayong panahon ng pandemya. Sa palagay niyo, kanino tayo dapat humanga?

“Sa mga artista ba na putak nang putak, puro reklamo at pambabatikos sa gobyerno at nanghihikayat ng mga tao upang pagkaisahan ang gobyerno? O sa mga artistang mas piniling maging makabayan at nagsilbing mabuting halimbawa sa kanilang kapwa Pilipino?

Kaya kaagad na nag-react si Pokwang na halatang gigil sa ipinost niya kahapon ng madaling araw.

Aniya; “SUMUPORTA LANG, TERORISTA AGAD??? PWEDE NAMIN KAYO KASUHAN SA MALING PARATANG! Pls PAKI REPORT THIS FB PAGE KAKALOKA KAYO! MASS REPORT THIS FB PAGE BANGON BISAYAS!”

Sa totoo lang, hindi na sana nila pinatulan ang grupong ito na di nga alam kung may kredibilidad ito.

Baka nagamit lang ito nung binagyo ang Kabisayaan, kaya tinawag na Bangon Bisayas.

Kim nag-advance ng bayad sa royalties ng bawal lumabas…

Hindi pa rin tinatantanan ng pang-aalipusta si Kim Chiu lalo na’t nag-trending ang kanta niyang Bawal Lumabas (The Classroom Song) sa ­­YouTube ng Wish 107.5.

Nung Biyernes ng gabi lang nila ito in-upload at nung Sabado ng gabi ay kumpirmadong ito na ang number one trending na music video at number one na rin ang kanta sa Pinoy MYX Countdown.

Post ni Kim sa kanyang FB account, “On behalf of Class 2020, I accept this honor. Maraming salamat sa inyo, classmates, for making this possible.

“Thanks also to Wish Bus for always welcoming ALL kinds of artists and genres. Totoo nga na music brings us all together.

“Nagsama sama tayo kahit BAWAL LUMABAS!!!!!  Ay PWEDE NA PALANG LUMABAS!!! stay safe classmates!!!!

“Sa mga classmates kong may mabu­ting puso, sana dumami pa kayo!!! Let’s spread good vibes and positivity...”

Sangkatutak pa rin ang namba-bash sa kanya na minaliit ang pagiging artist niya.

Marami naman ang nagtanggol sa kanya, at isa nga rito ang singer/songwriter na si Adrian Crisanto na ka-collaboration niya rito sa Bawal Lumabas (The Classroom Song).

Nag-post si Adrian sa kanyang FB account at nakiusap na tigilan na sana sa pag-bash kay Kim.

Sabi niya; “Tama na po ang pag-bash at pangmamaliit nyo kay Kim Chiu. Hindi po natin siya lubos na kilala. Karamihan sa atin, ang tingin lang natin sa kanya, ‘artista lang.’

“Akala nyo siguro, may immunity siya sa pangu­ngutya at pambabastos. Tao lang din ho siya. She’s as vulnerable as anyone else.

“Kapag nagkakausap ho kami, walang mintis po ang pagpapasalamat niya sa akin. At ako na nga rin ang nahihiya dahil napaka-grateful niya and she really values our ‘accidental collaboration.’

“In fact, sa sobrang grateful po niya, alam nyo po bang nabayaran na ako ng advance royalties for the song?”

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with