^

PSN Showbiz

Coco wagi sa pagiging ‘oa’

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Coco wagi sa pagiging �oa�
Coco Martin
STAR/ File

Parang tigang na lupa na biglang diniligan ng ulan ang bakuran ng ABS-CBN dahil sa positibong balita na inupuan na ng Kongreso ang kanilang apela para sa prangkisa ng network.

Pumasa ang apela sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan, kailangan nilang ipadala agad sa Senado ang resulta, pagkatapos ay diretso na ‘yun sa mesa ni Pangulong Rodrigo Duterte para pirmahan.

Hanggang katapusan ng Oktubre lang ang probisyunal na ekstensiyon ng pagsahimpapawid ng network pero habang umaandar ang proseso ay makakuha na nga sana ang istasyon ng permanenteng kalayaang umere sa loob nang dalawampu’t limang taon.

Kapag pinayagan ng pangulo ang resulta ng pagdinig ng Kongreso at Senado ay bubuksan uli ang istasyon, may taning nga lang, katapusan ng Oktubre.

Natural lang na maging masaya ang pamunuan ng network, ang kanilang mga artista, lalo na ang mga nagtatrabaho sa kumpanya.

Dagdag na saklay sa kanilang kabuhayan ang taning na hanggang sa katapusan lang ng Oktubre hanggang hindi pa nagkakaroon ng resulta ang hiling na dalawampu’t limang taong prangkisa ng ABS-CBN.

Komento ng male singer na nag-aalala kay Coco Martin, “At least, may ipakakain na si Coco sa pamilya niya. Hindi na niya kailangan pang makipagpatayan o makipagbasagan ng mukha dahil sa sobra niyang pag-aalala sa kakainin ng family niya.”

Sa lahat ng mga artista ng ABS-CBN ay nangunguna si Coco Martin sa pagdedepensa sa pagpapasarado ng kanilang istasyon.

Hindi lang niya kinukuwestiyon ang proseso ng pagpapatigil sa pag-ere ng istasyon, naghahamon talaga siya, dahil siya na mismo ang paulit-ulit na nagsabing galit na galit siya.

Komento naman ni JVN, isang nagmamasid na kaibigan, “Kung makapagsalita si Coco, e, para bang siya ang may-ari ng network. Matalim ang dila niya, nagpaka-Ricardo Dalisay talaga siya!”

Pero ‘yun ang kanyang paninindigan, ‘yun ang laman ng kanyang damdamin, lalo na’t binanggit pa niya ang pangaral ng kanyang lola tungkol sa pagtanaw ng utang na loob.

Hindi lang naging maganda ang pagtanggap ng mas nakararami nating kababayan sa mga kuwento ni Coco tungkol sa kanyang buhay-artista sa ilalim ng ABS-CBN.  Pinakamarkado ang inilitanya niya na habang naliligo siya ay panay-panay ang kanyang pag-iyak dahil sa sobrang kapaguran.

Sabi nga ng isang komedyante nu’ng tanungin ito ng kanyang mga anak kung bakit pumapayag na batuk-batukan ng kanyang mga kaeksena, “Huwag kayong mag-alala, arte lang naman ‘yun! Mas maraming batok, mas malaki ang kinikita ng tatay n’yo!”

Sa parte ni Coco Martin ay milyunan ang katapat ng kanyang pag-iyak habang naliligo, hindi niya puwedeng isangkalan ang sobra-sobrang kapaguran, dahil may matindi siyang ginaganansiya sa pagpapakapagod at pagpupuyat.

Siya na mismo ang nagpatunay na walang kasiguruhan ang buhay ng mga artista, pana-panahon lang, kaya habang mainit pa ang kanilang popularidad ay kailangan nilang samantalahin ang panahon.

Ngayon ay nand’yan sila, pero baka isang araw ay meron nang bagong iibigin ang publiko, kaya tama lang ang ginawa ni Coco Martin na unahin ang kinabukasan ng kanyang pamilya.

Medyo OA lang ang naging atake ni Coco. Sa sobra niyang galit ay parang lumalabas na wala na silang kakainin, kaya nga nagkaroon ng ideya ang isang male singer na magbuo ng benefit show para sa kanyang pamilya, dahil parang napakatindi ng kanyang pangangailangan.

Pero mukhang magkakaroon ng positibong resulta ang pag-iingay ng action star at ng iba pang mga personalidad ng ABS-CBN. Nabulabog nila ang Kamara, biglang inupuan ang usapin tungkol sa probisyunal na prangkisa ng network na “pinakialaman” ng NTC, kumilos ang mga dapat naman talagang gumalaw nu’n pa man at hindi nagtengang-kawali lang.

Naging nega man si Coco Martin sa mata ng mga bashers ay ‘yan naman ang nangyari. Nagkaroon ng magandang resulta ang kanyang paglilitanya.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “Mukhang hindi na ipatatara ang network. nagkaroon ng tagot ang mga tigaw ni Dalitay!”

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with