^

PSN Showbiz

Kylie, hindi nilalambing ni jake sa trabaho

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kylie, hindi nilalambing ni jake sa trabaho
Jake and Sam

Simula ngayong araw ay mapapanood na sa iWant ang Love Lockdown na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban, JM de Guzman, Jake Cuenca, Kylie Verzosa, Sue Ramirez, Arjo Atayde at Tony Labrusca.

Magkasama habang pinatutupad ang enhanced community quarantine sa condominium ang magkasintahang sina Kylie at Jake. Kinailangang kunan ng dalawa ang mga sarili nilang eksena para sa naturang digital film dahil sa pagkakaroon ng lockdown. “It was a one of a kind experience. We had to be the production design, we had to behind-the scenes, we also had to act. Siyempre for me, even if Jake and I have decided to do the quarantine in this apartment, siyempre parang nakaka-pressure din sa akin na umarte next to a very veteran actor. So nakakakaba siya, it was a very unique experience. I’m just glad to be doing work at this moment and I’m glad that this is such a good concept. Despite everything happening we were able to produce this masterpiece,” pagbabahagi ni Kylie.

Mas napahanga umano ang beauty queen-actress sa mga production staff and crew na karaniwang bumubuo ng isang proyekto dahil mas naintindihan niya ngayon ang kahalagahan ng mga ito. Malaki rin ang pasasalamat ni Kylie kay Jake dahil sa pagiging propesyonal na aktor nito. “It’s given me a new found respect for people working behind the scenes, to have a better understanding of what goes on behind the scenes. Ang dami kong natutunan dito and nagpapasalamat ako kay Jake kasi ang dami niyang naturo sa akin during this episode. Ang dami kong na-realize sa sarili ko na for me kaya ko pang i-improve. Three days kaming nag-shoot. So nandun ‘yung feeling of accomplishment and success. It gave me an in-depth perspective of how Jake worked and I realized he’s just so professional and he turns into this different kind of Jake when he works. Hindi na siya ‘yung sweet na he’ll hold your hand. Parang he becomes this very professional person na kahit konting lambing hindi mo mahingi sa kanya. It just gave me more respect for Jake as an artist and it gave me more respect for the whole craft,” paglalahad ng dalaga.

Baron, napahiwalay sa kanyang mag-ina

Napahiwalay si Baron Geisler sa kanyang mag-inang naninirahan sa Cebu. Kasalukuyang nasa isang condominium unit sa Quezon City ang aktor nang ipatupad sa enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Nagplanong makauwi si Baron sa kanyang pamilya pero nakansela ang flight nito. “Tuwing may shoot or taping ako, dito ako tumutuloy. Malapit kasi ito sa lahat, very accessible lalo na no’ng nagte-taping ako ng Ang Probinsyano kaya I always stay here. Dapat pauwi na ako ng Cebu kaso may syuting pa kami ng Tililing. Hindi naman namin inaasahan na magkakaganito. May ECQ at wala nang way para umuwi ng Cebu kaya dito na ako na-stranded,” kwento ni Baron.

Aminado ang aktor na talagang hinahanap-hanap na niya ang kanyang mag-ina dahil malungkot ang buhay kapag mag-isa. “Sobrang nakaka-miss ‘yung mag-ina ko. ‘Yung baby ko pa naman magti-three months na. Tapos hindi ko man lang mayakap. Virtual hugs na lang palagi. Pagkatapos naman nito, makakauwi na rin ako. Mayayakap ko na rin ulit ‘yung mag-ina ko,” pahayag ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

ARJO ATAYDE

KYLIE VERZOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with