^

PSN Showbiz

Dimples, pinagpapahinga muna si Angel!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Dimples, pinagpapahinga muna si Angel!
Dimples & Angel

Malaki ang paghanga ni Dimples Romana sa matalik nitong kaibigan na si Angel Locsin.

Madalas na tumutulong si Angel sa mga kababayang nangangailangan tuwing may sakuna o kalamidad sa bansa. Naging abala rin ang aktres sa pagtulong ngayong may kinakaharap tayong krisis dahil sa panganib na dulot ng covid-19 pandemic.

“’Yan talaga ang Darna ko. Sa UniTent We Stand, sinimulan ni Gel ‘yan para sa frontliners talaga. Ang dami kasi na wala na silang natutulugan. Tapos ‘yung ibang mga pasyente hindi na natitingnan sa ospital kasi kapag may covid sa loob, hanggang maaari ay iniiwasan talaga nila. I think Angel was able to raise a little over 11M in 19 days. Saka si Angel at Neil (Arce, kasintahan ng aktres) really went to the hospital. Ayaw nila ako ipasama kasi alam ni Gel na may senior ako rito, mayroon din akong mga anak. Alam mo naman ‘yung mga kaibigan mo, ‘Dimps, diyan ka na, ito na ang mga tulong mo sa amin. Kami na ni Neil.’ Walang pagod ‘yung dalawang ‘yon grabe ‘yung dalawang ‘yon, bilib na bilib talaga ako. Wala kang makitang bahid ng reklamo, walang pagod,” kwento ni Dimples.

Samantala, sa ngayon ay hindi pa raw natatanong ng aktres sina Angel at Neil kung itutuloy ang planong pagpapakasal sa December.

Matatandaang nag-propose ang binata sa dalaga noong isang taon. Nasimulan na rin ng magkasintahan ang preparasyon para sa kasal subalit napahinto ito dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon. “Hindi ko pa sila tinanong, sabi ko nga kay Gel magpahinga muna siya. Kasi natatakot ako baka magkasakit, napakalapit ng mga pinupuntahan nila, kumbaga nasa ground zero sila. So hindi ko pa sila natanong. Ako rin siyempre at this point ang focus nila is really to help out. In fact even after UniTent, I know si Neil are still helping out, hindi lang nila sinasabi,” paglalahad ni Dimples.

Piolo aminadong insecure!

Isa si Piolo Pascual sa mga nagbahagi ng karanasan tungkol sa pagiging aktor sa online fundraising event na Extend the Love Cinema: Actor’s Cue noong Lunes.

Ang nakalap na donasyon ay ilalaan para sa mga manggagawa ng pelikulang Pilipino na nawalan ng trabaho ngayong ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Pinangunahan ito ng batikang direktor na si Adolfo Alix, Jr. bilang moderator. “Cinema for me, growing up, was like a dream, a fantasy. It was something that’s unreal. It was larger than life, something bigger than your imagination. That’s how it was for me back then. Growing up, that was my exposure, but when I became an actor, everything changed, because it became my work,” pagbabahagi ni Piolo.

Nakasama rin ni Piolo sa naturang online event ang ilan pang aktor sa Asia katulad nina Rhydian Vaughan ng Taiwan at Nicholas Saputra ng Indonesia.

Ayon kay Piolo ay pangarap lamang niya na kumita noong nagsisimula pa lamang sa industriya. “My motivation was just to really earn and work. When I was young, I was really shy, I was really insecure. It was hard for me to enter the business. But it was something I wanted to do to get something done. When I became an actor, it became serious. That’s when I realized it has got to be passion that is driving you. It can’t be just about work. You have to give it your best, you have to give it your 100%,” pagtatapat ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

DIMPLES ROMANA

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with