^

PSN Showbiz

Direk Joel atat nang mag-trabaho!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Direk Joel atat nang mag-trabaho!
Direk Joel

Ilan sa mga taga-showbiz na senior citizen ang umalma sa bagong utos na hindi muna puwedeng lumabas ang mga senior citizen pagkatapos ng extended Enhanced Community Quarantine.

Kahit nga mga bata hanggang edad 20 ay hindi rin daw muna puwedeng lumabas.

Kaagad ngang nag-emote  si Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account tungkol diyan dahil bilang senior citizen na rin siya, malakas pa rin at nakapagtrabaho pa siya sa labas.

Kinukuwestiyon nga niya na ang karamihang government officials na pinangunahan mismo ng ating Pangulong Rodrigo Duterte na senior citizen din.

Kaya nung nakatsikahan namin si direk Joel Lamangan nang dumaan sa bahay  kamakalawa lang ay nag-react din sa order na iyan bilang bahagi ng quarantine rules.

Nag-post siya sa kanyang Facebook account ng pagkontra sa dagdag na guidelines na ito.  “Ako ay Senior Citizen. Pinakikinabangan ako ng lipunan. Kaya ko pang maghanapbuhay. Protektahan n’yo ako. Marami pa akong magagawa para sa bayan. Huwag gamitin ang aking katandaan para yurakan ang aking karapatang maging MALAYA!”

Aminado si direk Joel na sobrang bagot na siya sa mahigit isang buwang naka-ECQ.

Halos tatlong buwan na raw siyang walang trabaho at kaya pa raw niyang kumita at karapatan daw niya iyun. Nakapagsulat na nga siya ng isang script habang naka-quarantine at gustung-gusto na raw niyang mag-shooting. “Hindi ako sanay na walang ginagawa. Kaya huwag akong pigilang magtrabaho dahil kaya ko pa,” bulalas niya. Kagaya ng ilang senior citizen din, mag-iingat naman daw siya kapag nasa labas na siya.

Gipit na gipit na hunk actors nilalako ang malalaswang video para magkapera!

Ramdam na ramdam na talaga ang kahirapan ng buhay lalo na’t

nakatengga pa rin sa bahay at hindi makapagtrabaho sa labas.

Ramdam na rin ng ibang maliliit na artista na kapag matapos na ang ECQ, maaaring wala na silang babalikang trabaho.

Kaya ang iba ay nag-iisip nang mag-farming kung meron silang lupang sasakahan. Gagawa ng ilang paraan para makapagtrabaho.

Naglipana tuloy ang mga alok mula sa mga model-modelan, mga starlet na magpapadala ng sex video nila, padalan lang ng pera.     

Meron na ngang nag-aalok sa akin na kahit isang libo lang, okay na siya, magpapadala raw siya ng kanyang vidjakol.

Isang kaibigan na naninirahan sa ibang bansa ang nagtanong kung kilala ba itong isang hunk model na sumali sa isang panlalaking contest ng isang noontime show.

Medyo nakikilala na siya dahil sumikat naman itong pakontes na ito at medyo nakilala na ang winner. Isa siya sa mga finalist at rumaraket-raket na rin paminsan-minsan.

Kinukulit daw ang isang kaibigan nitong kaibigan ko na padalhan siya ng datung kapalit ng vidjakol niya.      

Naguwapuhan naman daw ang kaibigan niya pero medyo may kakulitan.

Hanggang sa hindi na raw sila nagkasundo sa kung magkano ang ibibigay, isang pares na mamahaling sapatos na ngayon ang hinihingi.

Okay na raw siya sa sapatos, i-send niya agad ang ipinagmamalaki niyang mahalay na video.

Hindi ko na inalam kung nagkasundo na sila at kung napadala na ang sapatos.

Isang hunk actor din na kalilipat lang ng TV network ang involved din pala sa pagpapadala ng vidjakol kapalit ng datung.

Okay na raw siya sa halagang sampung libong piso, ibi-video na niya ang sariling nagsasariling-sikap sa banyo habang tulug-tulog ang misis niya.

Kim nag-glow sa pagiging vegan

Marami ang namangha sa ganda ni Kim Domingo nang ipinost sa kanyang Instagram account ang mga kuha niyang walang make-up. Iyun talaga ang gandang natural na walang ka-make-up make-up.

Sabi ni Kim, malaking bagay daw ang pagiging vegan niya, kaya parang lalong nag-glow ang skin niya at parang gumaan daw lalo ang pakiramdam.

Napansin kong mas nag-glow yung balat ko tapos feeling ko ang gaan ng katawan ko. Hindi ko rin nakakalimutang mag-vitamins. Palagi ko rin ngang pinapadalhan ng mga masustansyang pagkain at mga supplements gaya ng vitamins ‹yung mga magulang ko,” pahayag ni Kim.

Nakahiwalay kasi si Kim sa magulang niyang nasa Novaliches.

vuukle comment

DIREK JOEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with