^

PSN Showbiz

Boyet nakapagbigay na ng plasma

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Boyet nakapagbigay na ng plasma
Boyet
STAR/ File

Nag-donate na rin ng kanyang plasma si Christopher de Leon.

Tulad nina Senators Sonny Angara and Migz Zubiri, covid-19 survivor din ang award winning actor at nakapag-donate na ng plasma.

Ang misis niyang si Sandy Andolong ang nag-post ng pagdo-donate nito ng plasma  “Done. Hubby donated his plasma this afternoon. Thank you to all the doctors & staff of St. Luke’s Global for your help & assistance  All honor & glory to GOD.”

Gumaling din sa covid sina Iza Calzado, Sylvia Sanchez and husband Art Atayde pero wala pa silang update kung nag-donate na rin ng plasma na sinasabing nakakatulong para gumaling ang ibang nasa critical condition.

Netizens, inaanyayahang ipakilala ang bet nilang frontline hero

Bibigyang pugay ng ABS-CBN TVplus Go ang mga frontliner sa paanyaya nito sa mga Pilipino na mag-nominate ng kanilang bagong bayani sa “Ipakilala ang iyong frontline hero” campaign.

Layunin nito na kilalanin ang magiting at kapuri-puring tapang sa gitna ng krisis ng mga frontliner sa bansa.

Araw-araw, iba- ibang frontliners umano ang bibigyang pugay ng ABS-CBN TVplus GO mula sa mga sinend na modern-day frontliner hero ng netizens.

Ang entries na may pinakamaraming shares at reactions pagdating ng 6:00 PM sa bawat araw ay makakakuha ng essential grocery items na nagkakahalagang P3,000 para matulungan ang pamilya ng mga frontliner sa panahong ito ng pagsubok.

Mabibigyan rin ang bawat mapipili ng TVplus GO unit, na kanilang magagamit sa libreng panonood ng balita o ng kanilang paboritong palabas habang papasok o pauwi mula sa trabaho.

Isumite sa pamamagitan ng google form (https://bit.ly/3cYGEFv)  araw-araw mula 8 AM hanggang 12 PM. Lahat ng entries ay i-popost dito at hinihikayat ang lahat na i-share ito simula 1 PM hanggang 6 PM.

Tatakbo ito simula Abril 29 (Miyerkules) hanggang Mayo 13 (Miyerkules).

Jamie may kanta sa mga pinanghihinaan ng loob

Tinagalog ni Jamie Rivera ng kanyang praise song na Heal Our Land —ginawang Hilumin Mo, Bayan Ko para sa mga napanghihinaan ng loob, na ilulunsad kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa bukas, Biyernes (May 1).

Nais ng Inspirational Diva na iparating ang mensahe ng ‘power of prayer’ sa mga Pilipino sa bagong bersyon ng awitin, lalo na ngayon panahon ng kaguluhan. “Nakakahawa at malakas ang Covid-19. At natatakot tayo, kaya’t mahalaga ang dasal para sa proteksyon natin at paggaling ng ating bayan,” pagbabahagi ni Jamie.

Ayon sa premyadong singer-songwriter, mahalaga rin ang pagpapakumbaba para maghilom ang bansa mula sa matinding sakit.

“Habang inaawit natin ang dasal na Hilumin Mo, Bayan Ko, sana’y maalala natin na hinihintay lang tayo ng Diyos na maging mapagkumbaba. Dahil mas nakakahawa ang pagiging mapagkumbaba. Ang tanging dasal natin ay kapag tayo ay nagpakumbaba at umamin na kailangan natin Siya, hihilumin ng Diyos ang ating bayan,” aniya.

Naghandog din ang Star Music artist kamakailan ng kanyang awiting  Tanging Yaman para sa Metro Safe & Sound: The Unplugged Music Video Series.

Sinusuportahan ng proyekto ang programang Pantawid ng Pag-ibig ng ABS-CBN, na naglalayong maghatid ng tulong sa mga pamilyang apektado ng community quarantine.

Abangan ang bagong performance video ni Jamie na mapapanood na simula ngayong Biyernes (May 1) sa Star Music’s YouTube channel.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with