^

PSN Showbiz

Bahay nila Toni malinis na malinis na, daga at ipis wala nang puwesto

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bahay nila Toni malinis na malinis na, daga at ipis wala nang puwesto
Toni, Paul at Seve

Para kay Toni Gonzaga ay tila nanumbalik ang mga panahong bago pa lamang silang mag-asawa ni Paul Soriano mula nang ipatupad ang community quarantine sa buong Luzon. “Tapos mga second week, third week, okay na. Nagkaroon na ng rhythm, dynamics. Ganito ang style, ganito ang approach. Mare-realize mo na it’s not what you’re saying, it’s how you say it,” makahulugang pahayag ni Toni.

Abala rin ang aktres sa pagiging ina sa anak nila na si Seve. Mag-aapat na taong gulang na ang bata kaya naman sobra ang ginagawang paggabay at pagtuturo ni Toni sa anak. “Sobra ang respeto at pagmamahal ko ngayon sa mga teacher ng nursery. Grabe ang pagtuturo sa toddler. Sabi nga ni Paul kapag tinuturuan ko siya (Seve) parang basang-basa ako ng pawis, parang nag-zumba,” pagbabahagi niya.

Bukod sa pag-aalaga sa anak ay maraming mga gawain din ang natutunan ni Toni ngayong mahigit limang linggo nang hindi nakalalabas ng kanilang bahay. “Ang natutunan ko is when you cannot go outside, try to go inside yourself. Parang kahit nasa bahay ka, alam mo ‘yung lahat ng cabinet dito nalinis na, lahat ng screen ay nalabhan na, ang carpet ay na-vacuum ko na. ‘Yung talagang make use mo ‘yung time. Ang mga storage room ay talaga namang wala nang pwedeng tumirang daga. Ang mga ipis sa baba ay maghahanap na ng bagong matitirhan dahil sa linis ng bahay. So parang gano’n siguro, make use of your time,” kwento ng aktres.

Darren, sanay na sa mga magulang na frontliners

Kasalukuyang nasa Canada ngayon si Darren Espanto kung saan nakabase ang kanyang pamilya.

Parehong registered nurse ang mga magulang ng singer na naglilingkod ngayon bilang frontliners sa gitna ng krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 kaya may ilang pagbabago sa mga nakagawian sa kanilang bahay. “A lot of people think that it’s scary na may frontliners sa bahay n’yo. But it’s really nothing to be scared of if you know what to do. Kasi ‘pag dumating sila from work, they sanitize themselves and also diretso sila naliligo. So yeah, it’s something that they definitely have to get used to. Kahit kapag nago-groceries din, pagdating ng bahay, sina-sanitize muna namin sa door pa lang,” nakangiting pahayag ni Darren.

Pinatutupad din sa mismong loob ng bahay ng singer ang physical distancing para sa buong pamilya. “Ako talaga hindi ako ‘yung clingy type na anak, showy na gano’n I’d say it’s difficult knowing that they are risking our lives for us every day, not just my parents but all of the frontliners. But also for my sister not being able be as clingy to my parent as she wants to be. It’s something that we have to get used to,” giit ng Darren. (Reports from JCC)

vuukle comment

PAUL SORIANO

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with