^

PSN Showbiz

Kyle, ideal girl si Liza

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kyle, ideal girl si Liza
Kyle

Maglalabimpitong taong gulang pa lamang sa June si Kyle Echarri. Sa murang edad ay mayroon nang masasabi ang binatilyo kung ano ang kanyang ‘ideal girl.’ “Tipong parang sina Liza Soberano, pero pagdating naman sa personality, someone that’s easy to talk to, hindi maarte, ‘yung kaya niya ‘yung sarili niya,” nakangting pahayag ni Kyle.

Aminado ang aktor na nakaranas na siyang ma-broken heart nang dahil sa isang kaibigan. “Ilang beses na dahil sa kaibigan. Sa industriya na ito, it’s hard to trust people. Isang beses nalaman ko na feeling nila ginagamit, na I’m not famous enough na maging kaibigan niya. Sinabi rin ng parent niya na ginagamit ko lang siya. I’m not a real friend daw. Long story short, naayos naman,” pagtatapat niya.

Samantala, itinuturing ni Kyle na si Darren Espanto ang isa sa mga pinakamatalik niyang kaibigan sa show business.

Ayon sa actor-singer ay mayroon silang mga sikreto ni Darren na silang dalawa lamang ang nakakaalam.  “Yup, I’ve kept many, and he keeps many too. Parang may bala ‘yon just in case. Well it’s not a big secret, I never keep big secrets naman. ‘Yung mga maliliit lang,” natatawang pahayag ni Kyle.

Sylvia, nagpaalala sa mga simtomas ng covid

Patuloy na nagpapalakas ng katawan ngayon ang mag-asawang sina Sylvia Sanchez at Art Atayde mula sa pagkakasakit.

Kamakailan ay inamin ng aktres na nagkaroon silang mag-asawa ng coronavirus disease 2019 kaya agad na nagpagamot sa ospital.  Kahit nakauwi na sa kanilang bahay ay hindi pa umano mayakap ni Sylvia ang kanilang limang anak. “Dito ako ngayon, nagbabawi. At least bumabawi ako nang pakonti-konti kasi kailangan kong palakasin ‘yung immune system ko. Negative na ako, wala na talaga. Sabi ng duktor pwede na namin silang yakapin. Pwede na naming hawakan. Pero dahil sa takot namin ni Art at sa pinagdaanan namin ay nag-decide kami na mag-quaranting pa rin kaming mag-asawa. May 1 pa kami magyayakapan,” pagbabahagi ni Sylvia.

Ayon sa beteranang aktres ay ang pananalig sa Diyos at ang pagmamahal ng pamilya ang tanging pinanghawakan habang nakikipaglaban sa peligrong dulot ng naturang respiratory disease.  “Nagro-rosary kami. Tumatawag ang buong Atayde, nagzu-zoom kami ng 6:30, ‘yon ang everyday na ginagawa. Tapos ‘yung pamilya ko rin sa probinsya, pamilya Campo ay nagro-rosary din kami ng 3 o’clock,” paglalahad niya.

Nagbigay rin ng mensahe si Sylvia para sa mga kababayan na nakararamdam ng mga sintomas ng covid-19. “Gusto kong sabihin sa may sintomas ng covid, huwag kayong matakot. Kasi hindi kami dumating sa sobrang severe na hindi makahinga, kasi naagapan namin. Nagpunta kami ng ospital talaga. Unang-una takot ako kasi iniisip ko may covid, di ko nga alam na may covid ako but nilakasan namin ‘yung loob naming mag-asawa,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

DARREN ESPANTO

KYLE ECHARRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with