^

PSN Showbiz

Jinkee babaeng bukod-tanging pinagpala!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jinkee babaeng bukod-tanging pinagpala!
Ji Chang Wook at Jinkee

Naku Salve talagang lahat ng suwerte na kay mama Jinkee Pacquiao ha.

Imagine na ang ever favorite niya na si Ji Chang Wook naka-dinner niya dahil ‘di nga ba sa Korea considered na isang icon/hero si Champ Manny Pacquiao kaya kahit celebrities dun hinahabol na maka-picture siya.

At ito na ang ikinainggit ko to the max, alam mo bang si Jang Hyuk na bagong idol ko ginawa pala lahat nang puwedeng gawin para ma-meet si Papa Manny  personally at tuwang-tuwa na binigyan siya ng autograph gloves nito.

Hay naku, imagine, baka iyon binili pang gloves ni Lynette kay Bernard Cloma ang naibigay ‘di bah!

Kaloka, kung ni-request ko pala kay papa Manny ko na i-treat ako sa dinner kasama si Jang Hyuk puwede, grabe.

Talagang dapat sa next life ko makapag-asawa ako ng boxing champion para makita ko lahat ng idols ko, huhuhu or else maging dama de noche ako ng mga royalty para makita ko sila. Sa second life ko talaga, sasagarin ko pagiging movie fan, hahaha.

Aura of confidence malaking bagay sa mga artista!

Alam n’yo ba na totoo nga na ang ating hair ang crowning glory at ang eyes natin ang ating soul.

Sa artista, napaka-importante nito iyon bang talagang iyon hairdo at haircut nila talagang dapat lagi bantayan.

At when they act, iyon mga mata nila talagang the most important. They convey their feelings thru the eyes kung mahusay silang artista, at sa mga mata din nila nakakapag-communicate sila sa manunood.

Tapos kasabihan din na basta maganda ang skin mo, meron ka nang points at angat ka na sa iba.

Over all talaga, dapat meron edge sa iba ang physical look mo.

Pero mas malaki ang nagagawa ng aura of confidence, kasi basta confident ka, parang you exudes agad iyon beauty.

Iyon aura na iyon makes you different from the rest. Saka iyon ang number one quality na magbibigay ng longer life sa career mo. Dahil pag may confidence ka, meron kang focus, meron kang drive. Celebrity ka talaga.

Mga empleyado mas minahal ang trabaho

Dahil sa nangyaring pandemic at lockdown, sure ako lahat ngayon bibigyan importansiya ang trabaho nila.

Kasi nga nakita nila ang trabaho pala nila in one quick sweep ay puwedeng mawala. Iyon feeling mo na hindi aandar ang mundo pag wala ka, or mahihinto ang lahat dahil sa iyo umaasa, hindi pala totoo. Pag dumating pala ang mga ganitong panahon, whoever or whatever you are is nothing. Na puwede pala na wala ka, at hindi ikaw ang aasahan.

Now double love ang ibibigay mo sa trabaho mo dahil alam mo sa anuman oras puwede pala mawala ito. Puwede pala kahit wala ka.

Hindi pala ikaw ang talagang importante. The world stood still, and suddenly you’re nothing, hindi ka importante. So now, give yourself a second look, at tanggapin na nothing is indispensable, not you or them. Ang Diyos lang ang pinaka-importante sa lahat.

vuukle comment

JINKEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with