^

PSN Showbiz

John Lloyd umatras ‘makasama’ si Angelica

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd umatras �makasama� si Angelica
John Lloyd

Matutuloy na ngayong gabi ang kakaibang proyektong inorganisa ng ABS-CBN Film Restoration, Star Cinema at Lockdown Cinema Club ang Gabi ng Himala: Mga Awit at Kuwento.

Nakipagtulungan dito ang Directors Guild of the Philippines o DGPI, Lupon ng Pilipinong Sinematograpo o LPS at ang Ricky Lee Film Scriptwriting Workshop.

Maghu-host nito sina Ryan Agoncillo at Bianca Gonzales-Intal, na kung saan magkakaroon ng special performance sina Ms. Lea Salonga, Aicelle Santos-Zambrano at Bituin Escalante.

Sa ‘di pa alam na dahilan, nag-back-out si John Lloyd Cruz. Pero tuloy naman si Piolo Pascual na makakasama si Jodi Sta. Maria sa isang eksena na ididirek ni Joyce  Bernal. Isang mahalagang scene naman ng classic film na ito ang gagawin nina Angelica Panganiban at Maja Salvador na ididirek naman ng Star Cinema’s executive Olivia Lamasan.

Ang unforgettable scene na ‘walang himala’ ay gagawin naman nina Shaina Magdayao na ididirek ni Lav Diaz, si Nadine Lustre na ididirek ni Petersen Vargas at Iyah Mina na ididirek ni Sigrid Andrea Bernardo.

Sabi raw ni Prof. Ricky Lee na sumulat nitong Himala ay bahala raw ang mga kilalang filmmakers na mag-interpret sa mga eksenang ito.

Inaasahan ang partisipasyon sa Live Question and Answer portion via Zoom nina Ms. Charo Santos, Ricky Lee, direk Joel Lamangan at ang bida mismo ng Himala na si Nora Aunor.

 Isa itong fund-rasing event online para sa mga film workers na nawalan ng trabaho sa gitna nitong pandemic na COVID-19.

Kaya sa mga gustong magbigay ng donasyon, puwede nyong ipadala sa BDO account ni Alemberg Ang na 004448023723, o sa BPI account ni Marc Frederik Galvez 8250015713 o sa Mobile wallet na G Cash ni Camille Aragona 09167711326 o puwede ring Credit Card sa Ticket2Me https://ticket2me.net/e/5681 o Paypal http://paypal.me/AlembergAng.

Kapuso moms tuloy ang pamimigay ng gatas 

Maganda rin ang kinalabasan ng fund-raising event na Project: Alalay kay Nanay na inorganisa naman ng mga young moms na sina LJ Reyes, Iya Villania, Camille Prats, Chariz Solomon at marami pa. Malaki raw ang nalikom nilang donasyon nung magsimula sila nung nakaraang Sabado, April 18.

Kaya mahigit isandaang mga nanay daw ang nabigyan nila ng tulong na talagang kinakapos ng mga pangangailangan sa kanilang baby.

Gagawin na raw nilang weekly ang fund-raising project para sa mga nanay na handog ng mga Kapuso young moms.

vuukle comment

JOHN LLOYD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with