^

PSN Showbiz

Sam at Catriona, mag-dyowa na?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sam at Catriona, mag-dyowa na?!

Huling magkasama...

“Salve it’s Sam Milby and Catriona,” chika ng ka-text ko yesterday na belong sa ‘high society’ group.

Yes as in ang beauty queen at Kapamilya actor na diumano, officially.

Matagal na actually na nababalita ang tungkol kina Catriona and Sam pero walang nagsasalita sa kanilang dalawa tungkol dito.

Last na karelasyon ni Catriona ay ang aspiring actor na Clint Bondad.

Habang si Sam ay ang model / TV host / blogger na si Mari Jasmine na girlfriend na ngayon ng LGBTQ member / director na si Samantha Lee.

Nauna nang sinagot ni Catriona sa instant question and answer portion nang ma-stuck sila sa traffic (mala-Boy Abunda) with Dr. Vicki Belo kung “relationship or career”. “Both, women can do both. If we find a supportive partner, we can do both,” sagot ng dating Miss Universe.

Isa pang tanong ni Dra. Belo sa dating Miss U : “Piolo Pascual or Alden Richard.” Catriona : “Papa P.”

Nung minsan din ay may nag-send through my social media accounts ng photos nina Catriona and Sam na magkasama sa out of town. Pero matagal na raw ‘yung photo ng dalawa. Nung time na Miss Universe pa si Catriona.

Kung aamin sila, ‘yun ang hintayin natin.

Kilabotitos kanselado muna, Greenhills at Bgc nagmistulang ghost towns

Sa South Korea pala, kaya maraming suspected COVID victim ay dahil kahit diumano mild cases ay tini-test agad nila para maiwasan na agad ang pagkalat nito. Kaya diumano mababa ang death rate doon kahit na nga sinasabing ang bilis ng pagkalat ng virus sa nasabing bansa.

Kahapon nga ay dineklara na ang Code Red, Sublevel 1 sa Pilipinas matapos makumpirma ang local transmission nito sa ating bansa.

Dahil pa rin sa CoVID-19, ini-reschedule nina Ogie Alcasid and Ian Veneracion ang KilaboTitos concert nila on March 20 and 21.

Wala pang binibigay na bagong schedule ang concert producer. “We apologize for any inconvenience. Please stand by for announcements on the new dates of the concert,” ang message kahapon ng mga tito ng bayan.

Kahapon din ay namistulang ghost towns ang Greenhills at BGC dahil nga sa kinumpirmang kaso ng coronavirus sa mga nasabing lugar.

Karaniwang punuan ang nasabing lugar tuwing weekend.

Pray tayo na ‘wag naman kumalat pa sa Pilipinas ang deadly virus na ‘yan.

Sundin din natin ang bilin para makaiwas sa COVID-19.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with