^

PSN Showbiz

Roxanne, non-showbiz guy na ang bagong dini-date

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Roxanne, non-showbiz guy na ang bagong dini-date
Roxanne

MANILA, Philippines — Tatlong taon na ang nakalilipas nang magkahiwalay bilang magkasintahan sina Roxanne Barcelo at Wil Devaughn. Tumagal din ng apat na taon ang relasyon ng dating magkasintahan.

Ngayon ay nakahanda na raw muling makipagrekasyon si Roxanne kaya may bago nang dini-date. “Yes, being single for three years, I’ve had very ama­zing moments of realizing na I can be single and happy at the same time. Na-realize ko na I don’t actually need a partner to make me happy. It was the best experience of my life, na I can travel myself, my friends can bring joy to me and I can bring joy to them. My family has always been there for me. Finding yourself again and again can be a tiring process. Minsan kasi you get lost in a relationship eh. Ang sarap din na process na bago mo kilalanin ‘yung ibang tao, kilalanin mo muna ‘yung sarili mo,” makahulugang paliwanag ni Roxanne.

Ngayon ay hindi na artista ang bagong nakikipag-date sa aktres. Sinadya kaya ni Roxanne na isang non-showbiz guy na ang bagong nagpapatibok sa kanyang puso? “Not really kasi si Wil naman by choice, really good friends naman before and after the relationship. He’s actually, he looks like he’s very happy right now and I’m very happy for him. So hindi naman nakakapaso ‘yung relasyon na ‘yon. It’s just more of, it was a relationship that I really enjoyed naman at that time,” paliwanag ng dalaga.

Pero wala muna sa jowa level Seth, Honey na ang tawag kay Andrea

Kahit nagtapos na ang teleseryeng Kadenang Ginto kamakailan ay patuloy pa rin ang komunikasyon sa pagitan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Ayon sa baguhang aktor ay wala pa ring nagbabago sa samahan nila ni Andrea. “‘Yon lang, kung ano ang mayroon kami dati, hindi nagbabago at lagi naming sinasabi sa isa’t isa na galingan pa natin sa mga susunod na blessings pa,” nakangiting bungad ni Seth.

Maglalabimpitong taong gulang pa lamang si Andrea sa susunod na linggo habang si Seth naman ay maglalabingwalo na sa darating na July.

Para kay Seth ay hindi sila nagmamadali ng aktres upang magkaroon ng isang seryosong relasyon. “Sa ngayon hindi pa namin tinitingnan ‘yung jowa-jowa na ‘yan eh. Wala, kung darating man sa mahuhulog tayo sa isa’t isa eh, huwag muna ngayon. Alam naman ng lahat tinatawag ko siyang honey,” pagtatapat ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

ROXANNE GINOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with