^

PSN Showbiz

Jeric Gonzales, talentado rin sa pagkanta

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jeric Gonzales, talentado rin sa pagkanta
Jeric

Bukod sa pag-arte, mahusay din ang Magkaagaw lead actor na si Jeric Gonzales sa pagkanta.

Yup, bukod pa sa magaling siyang tumugtog ng gitara ay mala-anghel din ang boses niya.

Ngayong Marso, ilalabas na ni Jeric ang kanyang single under GMA Music na pinamagatang Line To Heaven.

Marami nang fans ang nakaabang sa exclusive airing nito sa Barangay LS simula Marso 3 hanggang Marso 9!

Patuloy na napapanood si Jeric bilang ang pinag-aagawang si Jio mas umiinit na GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw. 

Former broadcaster, ride pa more sa mga issue

Do not judge people. You never know what kind of battle they are fighting. - Unknown.

Ito dapat ang isaksak sa utak ng isang former broadcaster na wala na ngayong show pero parang ang opinion sa mga bagay-bagay ay alam na alam.

Ang sinasawsawan niya ngayong issue ay tungkol sa nangyari sinasabing ambush kay Kim Chiu at dinamay pa niya si Ted Failon.

Kaloka si Kuya. 

Like ‘yung van pala ni Kim ay Manila proofed na hindi nga maririnig ang ingay sa labas ng kotse as in ginawa raw itong mobile home / office on wheels for 30 days or para raw itong hotel room on wheels. So hindi mo nga naman puwedeng ibase lang ang analysis mo kung hindi mo alam ang exact details.

Pero in all fairness sa broadcaster na ito, may following siya sa social media at sampalataya sa kanya.

vuukle comment

JERIC GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with