^

PSN Showbiz

Lorna nagulat sa pagdating nina Ipe at Robin sa birthday ni Daboy

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lorna nagulat sa pagdating nina Ipe at Robin sa birthday ni Daboy

Nasorpresa si Lorna Tolentino sa pagdating nina Phillip Salvador at Robin Padilla sa Heritage Memorial Park kahapon habang nagmimisa para sa kaarawan ni Rudy Fernandez.

“Na-touch naman ako. Bigla kayong duma­ting.Matutuwa si Daboy tiyak,” bulalas ni Lorna pagkatapos nilang basbasan ang puntod ni Kuya Rudy sa huling bahagi ng misa.

Sabi naman ni Kuya Ipe, talagang sumisingit daw siya ng dalaw sa puntod ng bestfriend niya kapag nalilibre ang schedule niya. Naiwala lang daw niya ang susi ng chapel kaya hanggang labas na lang daw siya.

Matagal na rin daw gusto ni Robin na dumalaw kay Kuya Rudy, at mabuti na lang na nagkasama raw sila ni Kuya Ipe na dumalo sa isang event ni Sen. Bong Go sa Montalban, Rizal kaya sumama na siya.

Dapat ay may taping pa kahapon si Lorna sa Ang Probinsyano, pero matagal na niya itong napaalam dahil ibinabakante niya talaga ang birthday at death anniversary ng namayapang asawa.

Natatawa na lang nga si Lorna na nagkuwento sa akin na tuluy-tuloy pa rin daw siya sa taping ng Ang Probinsyano.

Nabanggit pa niya nung huling na-interview siya sa contract-renewal niya sa Beautederm na hanggang end of March na lang siya sa Ang Probinsyano.

Nasabihan daw siya nung huling taping niya na aabot pa raw pala siya ng May.

Kung totoong hanggang May na lang nga ito, eh di ibig sabihin hanggang ending siya roon.

Kaya kailangang ayusin na raw niya ang iba pa niyang commitments dahil may taping pa rin siya sa teleserye ni Coco.

Darren ayaw nang pag-usapan ang demandahan nila ni JK

Si Darren Espanto ang bagong top celebrity brand ambassador ng Beautederm Corporation na ipinakilala sa media kahapon.

Sabi nga ni Ms. Rhea Anicoche-Tan, pagkatapos daw ng iconic stars na naging bahagi ng lumalaki niyang kumpanya, ngayon naman daw ay mga bagets lalo na’t sa mga kalalakihan dahil sa mga bagong produkto for male na karamihan ay para sa mga kabataan.

Tuwang-tuwa nga si Darren dahil kaagad na naging hiyang daw siya sa bagong Spruce and Dash men’s line na nagagamit niya sa kanyang personal hygiene and grooming.

Sa press launch nito kahapon ay nagpakitang-gilas din si Ms. Rhea sa pagkanta na kung saan naka-duet pa niya si Darren.

Alam daw niyang tiyak na pagkaguluhan si Darren ng mga tao kapag dadalhin na nila ito sa mga mall shows na iniikutan ng Beautederm.

Excited din naman daw si Darren na makasama ang iba pang brand ambassadors ng Beau­tederm, lalo na iyung mga hindi pa niya nakatrabaho dahil nasa Kapuso network ang iba.

Doon pa rin sa media launch kahapon ay sinagot naman ng 18-year old singer ang mga isyung alam naming hindi siya kumportableng sagutin ito.

Humingi siyang ng paumanhin na hindi niya masagot ang tungkol sa kasong isinampa nila kay JK Labajo dahil nasa korte na ito.

Hindi niya masagot ang nabalitaang nagkaayos na sila sa korte. “Wala pa po akong puwedeng sabihin eh. Sorry po,” maingat na sagot sa amin ni Darren nang tinanong namin ang tungkol sa mediation sa korte.

Pero sinundan namin ng tanong kung handa ba siyang makipag-collaboration kay JK kung sakali, at susubukan kaya niyang kantahin ang Buwan?

“Ako tama na yun, huwag na lang,” maingat na sagot ni Darren.

Hindi rin siya bukas sa posibilidad na maging friends sila uli, dahil close naman siya sa iba niyang nakasabayan sa The Voice Kids.

vuukle comment

DARREN ESPANTO

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with