^

PSN Showbiz

Carlo Katigbak biglang inilusyon ng mga single na congresswoman

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Carlo Katigbak biglang inilusyon ng mga single na congresswoman

Pinag-uusapan pa rin ang hearing ng franchise renewal ng ABS-CBN nung Monday na bukod sa mga mainit na isyung pinag-usapan, ang dami ring natutuwa sa mga pahayag ni direk Joel Lamangan.

Pero ang daming bumilib kay Mr. Carlo Katigbak, President and CEO ng Channel 2 nang humingi siya ng paumanhin kay Pres. Rodrigo Duterte kung nasaktan man ito sa ginawa nila nung panahon ng kampanya.

Pero ang isa pang narinig naming pinag-uusapan ay ang maraming Congresswomen pala na single ay kilig na kilig sa kanya.

Maaring nakatutok sila sa hearing nung nakaraang Lunes, at sobrang na-impress daw sila kay Mr. Katigbak. guwapung-guwapo din daw sila at ang galing pa raw magsalita.

Lalo na nang nag-sorry daw ito kay Pres. Duterte, bumilib daw sila at kinilig sa kakisigan ni Mr. Katigbak.

May iba ring nagka-crush kay Mr. Mark Lopez na kasama rin sa hearing.

Kaya nga nag-trending sila nung araw na iyun, at na­ging instant celebrity na tuloy.

Hindi na nga siguro kailangan ng mga tipong Piolo Pascual sa susunod na hearing, dahil sa kaguwapuhan lang nina Mr. Carlo Katigbak at Mark Lopez, dapa na ang mga dalagang Congresswoman.

Gloc 9 wish maka collab si Gary V

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng Padi’s Restaurant and Bar ang kanilang barkada tour na magsisimula na ng May.

Tampok sa kanilang bar tour sina Gloc 9 at Shanti Dope na hit na hit pa rin sa mga kabataan.

Kasama nila ang Sandiwa Band, ang rap-acoustic princess na si Lirah, at ang R&B singer na si JKris.

Hindi naman pala ganun kaapektado ang Padi’s Bar sa scare sa Covid-19, dahil marami pa rin naman daw mga taong pumupunta sa kanila. Ang medyo naapektuhan daw ay ang mga nasa mall dahil nabawasan na talaga ng mga taong pumupunta.

Pero thankful lang daw ang mga taga-Padi’s na marami pa rin talaga ang pumupunta sa kanila.

Malaking bagay rin ang may ganitong attraction sila na barkada tour lalo na’t sina Gloc 9 at Shanti Dope ang magpi-perform. 

 Sa mediacon nito na ginanap sa Padi’s Restaurant and Bar sa SM North nung nakaraang Lunes, ibinahagi sa amin ni Gloc 9 na malapit na pala nilang i-launch ang kantang collaboration nila ni JK Labajo.

Sa February 28 na raw ang launch at excited si Gloc 9 sa kantang ito na Sampaguita ang pamagat.

“It’s a very powerful song. Na-inspire talaga ako nang ibinigay niya sa akin ang material last year,” sambit ng 42-anyos na rapper artist.

“I think noong ibinigay niya sa akin ‘yon, natapos ko rin ‘yung tatlong verses ko that night.

“Sobrang iba siya. Abangan n’yo na lang po. Mahirap magsabi ng ano, dahil hindi po ako ‘yung official na...

“Nakisali ako sa song, e. Pero iyon ay awitin under MCA and JK, so, iyon lang po, pino-promote ko,” sabi pa ni Gloc 9.

Uso naman kasi ngayon ang collaboration, kaya bukod kay JK, wish pa rin ni Gloc 9 na maka-collab si Gary Valenciano.

Hindi pa niya masabi kung anong kanta ang iku-collab nilang dalawa.

Si Shanti Dope naman ay matagal na rin niyang inaasam na maka-collab si Regine Velasquez.

Gusto raw sana niyang ma-record nila ni Regine ang kantang Takipsilim.

Jane at RK out of the box ang ginawa sa movie

Ngayon na ang showing ng pelikulang Us Again ng Regal Multimedia na pinagbibidahan nina Jane Oineza at RK Bagatsing.

Kakaibang pelikula na sana handa na raw mga manonood sa ganung klaseng pelikula.

May surprise kasi na ibang-iba ang kuwento at sana nga raw walang spoiler alert.

“It’s something din na gusto nating iano sa mga ginagawa nating pelikula na out of the box di ba?” pakli ni RK.

“Sa sobrang excited ko pigil na pigil na ako magkuwento na parang gusto ko na talagang i-share,” singit naman ni Jane.

“Sana wala na munang spoiler sa lahat,” pakiusap ni RK.

Napuno ng mga fans ang premiere night nito na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall.

Suportado sila ng mga close friends nilang Kapamilya artists gaya nina Janella Salvador, Jerome Ponce at pati si Jimuel Pacquiao.

vuukle comment

CARLO KATIGBAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with